in

Individual permit to stay sa mga menor de edad, batas na!

Ito ay isang dokumento na kapareho ng sa mga magulang, na nasasaad sa European Law 2015-2016 at inaprubahan kamakailan sa Chamber of Deputies. 

 

Roma, Hulyo 2, 2016 – Mga bata o adolescents, walang pagkakaiba. Dahil sa ngayon, ang lahat ng anak ng mga imigrante ay kailangang magkaroon ng individual permit to stay

Sa katunayan ay maraming pamilya ang alam na ito dahil nag-assess na ang Questura para sa releasing ng bagong electronic permit to stay. Sa ngayon, ito ay ilalagay na rin sa Testo Unico sull’Immigrazione, dahil sa European Law 2015-2016 na tuluyang inaprubahan kamakailan sa Chamber of Deputies. 

“Sa menor de edad – nasasaad- ay ibibigay ang isang permit to stay per motivi familiari na balido hanggang sa pagsapit ng ika-18 taong gulang o ang EU long term residence permit”. 

Ito ang tuluyang magtatanggal sa batas na pinaiiral hanggang sa kasalukuyan kung saan nasasaad na ang mga bata na may edad 14 anyos pababa ay nasa permit to stay lamang ng mga magulang. Ang mga nakatala na ay matatanggap ang personal permit to stay sa renewal ng dokumento ng kanilang mga magulang. 

Magkano ang magiging halaga nito? Maliban sa mga susunod na indikasyon (kung magkakaroon man) 30,46 euros ang halaga nito tulad ng permit to stay ng mga magulang. 

Ang bagong batas ay nagpapahintulot sa 3,3 million euros refund sa poligrafico dello Stato na ginastos para sa paggawa ng electronic permit to stay sa mga mas bata sa 14 anyos para “sa experimental period ng electronic permit to stay, simula Dec 2013 hanggang sa pagpapatupad ng bagong batas”.  

Walang anumang nabanggit sa hinaharap: samakatwid ang mga magulang ang kailangang magbayad nito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filcom Catania, magkasabay na ipinagdiwang ang ikalawang taong anibersaryo at Kalayaan 2016

Kontribusyon at Cassa colf, babayaran sa Inps hanggang July 11