Hanggang sa kasalukuyan 4,000 application lamang ang natanggap. Maaari pa ring ipadala ang mga aplikasyon hanggang June 30. Malandrino (Interno): "Maaaring matugunan ang lahat ng mga matatanggap na aplikasyon"
Rome – Enero 8, 2013 – Malaki pa ang pagkakataong naghihintay sa sinumang magpapadala ng aplikasyon. Ang mga inilaang quotas para sa conversion ng mga permit to stay ay nananatiling naghihintay pa rin.
Makalipas simulan ang huling mini-decreto noong nakaraang Dec 7, ay tila mayroong nagpahiwatig na walang ‘unahang’ magaganap. Isang buwan na ang nakalipas ng simulan ito ngunit ayon sa mga huling ulat ng Ministry of Interior ay tila hindi umusad ang bilang ng mga aplikasyon: sa 12,000 nakalaang quota para sa conversion ng mga permit to stay ay halos 4,000 lamang ang natanggap ng Ministry.
Ang mga natanggap na aplikasyon ay karaniwang ukol sa conversion mula sa seasonal permit to stay sa subordinate permit (1780 application sa nakalaang 4000) at mula permit to stay sa pag-aaral sa trabaho (1234 application sa nakalaang 6000). Kung magsusumite ng application ngayon (narito ang mga detalye), ay magandang pagkakataon pa rin ang naghihintay at maaaring subukan hanggang Hunyo 30, ang deadling ng submission.
Ang mga update ay inilathala ngayong araw na ito Sole 24 Ore. Ayon sa Head ng Immigration and Asylum policy ng Ministry of Interior, Angelo Malandrino, “Ang mga nakalaang bilang ay sapat upang matugunan ang mga demand at ang panahong itinakda para sa pagpapadala ng mga application ay upang maiwasan ang anumang uri ng pag-uunahan”.