in

Inps, hindi pa tatanggap ng aplikasyon ng bonus bebè

Maraming mga magulang ang nagtatanong ukol sa € 80 gamit ang hindi opisyal na application form. “Lahat ay gagawin online matapos itong ilathala”.

 

 

 


Roma – Abril 9, 2015 – Kahit ipinanganak na ang sanggol, ang bonus ay kailangan pa ring hintayin. Dahil na rin sa mga magulang na patuloy na nagtatanong at sinubukang magsumite ng aplikasyon, ang Inps ay inulit na ang aplikasyon ay tatanggapin lamang matapos mailathala ang dekreto ng implementing rules and guidelines nito.

Sa isang mensahe (tunghayan sa ibaba) na ipinadala kamakailan ng Inps sa lahat ng mga ahensya nito, ay sinabi “ang pagkalat at paggamit ng maling application form sa pagtanggap ng bonus. Ang mga ito ay isinumite ng personal at ang ilan naman ay ipinadala sa pamamagitan ng certified email”.

Ang mga forms na ito ay walang halaga. “Habang hinihintay natin ang paglalathala sa Official Gazette ng dekreto ng Presidente ng Council of Ministries – paglilinaw ng Inps – ay wala pa ang angkop na pamamaraan nito upang tanggapin ang mga aplikasyon dahil wala pa rin ang opisyal na form nito”. 

Ang mga windows sa tanggapan ng Inps ay hindi maaaring tumanggap ng aplikasyon gamit ang mga form na hindi opisyal habang wala pa ang dekreto at circular ukol sa pamamaraan nito. Isang bagay lamang ang malinaw sa ngayon, na ang mga aplikasyon ay ipapadala lamang online.

Ngunit ayon sa isang panayam sa Director ng Ministry of Labor, kaunting panahon na lamang umano ang  kinakailangan. Maaari ring makuha ang bonus para sa mga nakaraang buwan mula ng ipanganak ang mga sanggol, simula Enero 1, 2015.

Ang bonus bebè ay ibibigay ng tatlong taon matapos ipanganak o mag-ampon ng isang bata sa mga pamilya na ang ISEE ay hindi lalampas ng € 25,000 kada taon. Ito ay isang tulong pinansyal ng €80 kada buwan at magiging € 160 kada buwan kung ang ISEE ay hindi lalampas ng €7,000  sa isang taon. Maaaring mag-aplay nito ang mga Italians, Europeans at mga non-EU nationals na mayroong carta di soggiorno.

Messaggio Inps 3 aprile 2015, n. 2390
Articolo 1, commi da 125 a 129, della legge 23 dicembre 2014, n.190 – Disposizioni per la formazione del bilancio annuale e pluriennale dello Stato (legge di stabilità 2015) istitutivo di una misura volta ad incentivare la natalità ed a contribuire al suo sostegno (c.d. bonus bebè)
 Come è noto, l’articolo 1, commi da 125 a 129, della legge 23 dicembre 2014, n.190, Disposizioni per la formazione del bilancio annuale e pluriennale dello Stato (legge di stabilità 2015) ha istituito una misura volta ad incentivare la natalità ed a contribuire al suo sostegno, c.d. bonus bebè.
Sono pervenute dalle strutture territoriali segnalazioni relative alla diffusione ed all’utilizzo da parte degli utenti di modelli di domanda non ufficiali, volti ad ottenere il beneficio in oggetto, presentati sia a mano sia tramite posta elettronica certificata.
Si informa al riguardo che, in attesa della pubblicazione in Gazzetta Ufficiale del decreto della Presidenza del Consiglio dei Ministri attuativo della citata disposizione normativa, non è ancora disponibile la procedura di acquisizione della domanda né il modello ufficiale della domanda stessa.
Si raccomanda, pertanto, a tutte le Strutture Territoriali, di non accettare domande di bonus bebè presentate con modelli non pubblicati dall’Istituto e di attendere, a seguito della pubblicazione del D.P.C.M. in G.U., la relativa Circolare contenente tutte le istruzioni operative su tale nuova misura. Si anticipa, al riguardo, che le domande potranno essere presentate esclusivamente in modalità telematica, attraverso i canali istituzionali che verranno dettagliati in Circolare.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta di soggiorno na inisyu sa ibang bansa sa Europa, maaaring gamitin sa trabaho sa Italya?

Mga aplikasyon sa Regularization, rerebisahin sa Brescia