Ang mandatory social security contributions sa Inps ay maaaring ibawas sa taxable income at para sa mga non self-sufficient employers naman ay maaaring ibawas ang ginastos sa tagapag-alaga bilang insentibo sa mga employers.
Roma – Mayo 8, 2012 – Panahon ng submission ng mga tax return (dichiarazione dei redditi). Ang mga employer o sinumang mayroong colf o caregiver ay maaaring makatipid sa pagbabayad ng buwis. Dapat lamang isaalang-alang na ang trabaho ng colf at caregivers ay deklarado at regular.
Ang unang tax relief ay para sa mga employers ng mga colf at mga caregivers na maaaring ibawas mula sa taxable income (o reddito imponibile, kung saan nagmumula ang kalkulasyon ng babayarang buwis), ang mga kontribusyon para sa mga colf at caregivers, hanggang 1549,37 euros. Ito ay maaaring patunayan sa pamamagitan ng mga pinagbayarang resibo ng mga kontribusyon tuwing ikatlong buwan.
Isang dagdag na kabawasan sa babayarang buwis ay kung ang inaalagaan ay isang non self-sufficient o tulad ng nasasaad sa mga medical certificate, ay isang tao na nangangailangan ng tulong maging sa paliligo, pagbibihis, pagkain at nangangailangan ng complete at continous assistance. Sa ganitong mga kaso, ay may tax relief na katumbas ng 19% sa mga ginasto para sa caregiver, hanggang 2100 euros, kung ang kabuuang taxable income ng taxpayer ay hindi lalampas sa 40,000 euros.
May karapatan sa tax relief ang taong nagbabayad sa caregiver, na maaaring ang taong non self-sufficient o isang miyembro ng pamilya nito. Sa paggawa ng tax return ay kailangang isumite ang mga resibo, pay envelopes o iba pang dokumento na magpapatunay ng pagbibigay ng sahod, kung saan nasasaad ang mga fiscal code at personal datas ng caregiver, ng taong nagpapasahod, at ng inaalagaan ng caregiver (kung hindi ito ang nagpapasahod).