Isang circular mula sa Ministry of Interiora ang nagpapahiwatig ng uri ng koneksyon sa pagitan ng mga paaralan, prefecture at consigli territoriali per l'immigrazione ukol sa mga kurso ng formazione civica e informazione at mga test ukol sa kaalaman sa wikang italyano.
Rome, Nob 9, 2012 – Ang Department of Civil liberties and Immigration at Central directorate for Immigration and Asylum policy, ay nagpalabas ng isang Circular ng mga tagubulin ng operasyon para sa pagpapatupad ng kasunduan sa pagitan ng ministries of Interior at Education,University at Rseach noong Aug 7, 2012 – lakip ang Accordo di integrazione sa pagitan ng dayuhan at stado.
Ang dokumento ay nagpapaliwanag ng note verbal ng Viminale, kung saan tinutukoy ang uri ng kolaborasyon at koneksyon sa pagitan ng mga prefecture, consigli territoriali per l’immigrazione at mga paaralan ng Centri territoriali permanenti per l’educazione degli adulti kung saan ginagawa ang mga kurso ng civicaat informazione para sa Accordo di integrazione na pinipirmahan ng dayuhan upang matutunan ang mga pangunahing prinsipyo ng saligang batas at ang organisasyon ng mga Italian Public Insitution.
Ang tanggapan ng mga Centri permenenti ay kailangang tukuyin ng mga prefucture, ng mga regional educational office sa pamamagitan ng mga protocol agreements, na nakalakip sa circular (allegato 2). Nakalakip din sa circular ang summary ng mga standard costs ng mga kurso (allegato 3). Ukol pa rin sa mga kurso, ay tinutukoy ang mga kundisyon ng ‘pagkilala’ sa mga ito, para sa accordo di integrazione, mga karagdagang kurso para sa wikang italyano, social issues, kurso para sa pagtatapos.
Nasasaad din sa nasabing dokumento ang mga tungkulin ng sportelli unici per l’immigrazione ukol sa pagkilala sa antas ng kaalaman sa wikang italyano, kultura at sibika at ng pamumuhay ng sibil sa Italya ng dayuhan, lahat ay upang mabigyan ng kaukulang puntos at maabot ang kangarin (articolo 6, comma 5, lettera a, del dPR 179/2011).
Ang mga consigli territoriali per l'immigrazione na nasa mga prefecture ay kailangang mag-sagawa ng mga pilot projects para sa linguistic at social integration na napapaloob sa kasunduan upang palakasin ang pagbibigay ng mga impormasyon ukol sa Accordo di integrazione. Ang mga pilot projects na ito ay maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng mga Centri territoriali permanenti per l'educazione degli adulti, at kabilang sa mga proyekto na maaaring pondohan ng European fund para sa integrasyon ng mga mamamayan mula sa third countries.