Narito ang kung ano ang dapat pirmahan ng lahat ng mga bagong darating sa Italya at kung paano pinatutupad ang point sysytem ng mga permit to stay.
Roma – Marso 12, 2012 – Ang Integration Agreement at ang Point System ng mga permit to stay na sinimulan noong nakaraang Sabado ay magbibigay daan sa mga pagbabago sa pamumuhay ng mga bagong darating ng bansang Italya. Mainam na malamang mabuti kung ano ang nilalaman nito.
Inilathala ng Stranieri in Italia ang labing-anim na opisyal na translation at ng Ako ay Pilipino sa wikang tagalog ang teksto ng Kasunduan na pipirmahan ng mga imigrante. Sa isang direktiba ng Sportello Unico per l’Immigrazione, ng mga ministro na sina Anna Maria Cancellieri at Andrea Riccardi ay inaasahang ito ay “magpapahintulot sa makabuluhang partesipasyon ng mga dayuhan upang maabot ang layunin ng Kasunduan”.
Ang Ministry of Interior, sa layuning ito, ay isinalin sa labing-anim na wika ang Kasunduan, kabilang ang isang brochure na magpapaliwanag ng mga pangunahing puntos ng bagong pamamaraan. Maaari itong i-download, kasama ng gabay, ang mga tables kung paano madadagdagan o mababawasan ang mga puntos ng ayon sa batas.