Ang dokumentasyon ukol sa mga naging ‘developments’ sa loob ng dalawang taon ay matatagpuan sa mga Sportelli Unici, kasama ang italian language test at ang Sibika at Kultura. Wala namang pagsusuri sa mga dumating sa Italya sa pamamagitan ng family reunification.
Rome – Pebrero 14, 2014 – Ang mga dayuhan ay nagkaroon ng dalawang taon upang ma-integrate, sa ngayon ay kailangan nilang maipakita kung naabot ang layunin ng integration agreement.
Maaaring isang marahas na buod, ngunit ang katotohanang simula sa sususnod na buwan, maraming mga imigrante na dumating sa Italya sa unang pagkakataon mula March 10, 2012 ang obligadong pumirma sa “integration agreement” at samakatwid ang permesso di soggiorno a punti, ay tatawagin ng Sportello Unico per l’Immigrazione. Makalipas ang 24 na buwan ay dumating na ang panahon upang suriin ang resulta ng kasunduan.
Ang integrasyon ay susukatin sa pamamagitan ng puntos, na tumataas kung ang naging pag-uugali ay maituturing na tuwid ngunit nababawasan naman kung hindi. Halimbawa, ang isang kurso, ang pagpili ng family doctor, ang pagkakaroon ng kontrata sa upa ng apartment ay nagbibigay ng karagdagang puntos, ang isang criminal record o ang hindi pagbabayad ng buwis ay nakakabawas naman ng mga puntos. (Narito ang pagpapaliwanag ng Ako ay Pilipino ukol sa integration agreement – Unang bahagi – Ikalawang bahagi).
Sa oras na pirmahan ang kasunduan ay nagkakaroon ng 16 na puntos. Kung sa loob ng 2 taon ay tumaas ito sa 30 puntos at natutunan ang wikang italyano at ang basic ng Sibika at Kultura, ang kasunduan ay maituturing na tagumpay. Ang sinumang mayroong puntos sa pagitan ng 1 hanggang 29 ay bibigyan ng isang taon lamang upang makabawi. Ngunit kung ang puntos ay 0 o mas mababa, paalam permit to stay at bibigyan ng expulsion.
Samakatwid ang pagsusuri ay napakahalaga, at ilang araw pa lamang ang nakakalipas ang Ministry of Interior ay nagbigay ng mga indikasyon sa mga Sportello Unico per l’Immigrazione. Ang mga tanggapan, sa mga sususnod na linggo ay magsisimulang tawagin ang mga dayuhan upang ilahad ang mga papeles kung naabot ang hangarin, susuriin din ang police at municipal records pati na rin sa agenzia dell’entrate kung dapat bawasan ang mga puntos.
Ang sinumang walang maipapakitang patunay na natutunan ang wikang italyano at Sibika at Kultura ay sasailalim sa isang test na inorganisa ng Sportello Unico. Ang request ay ipapadala online sa pamamagitan ng website ng integration agreement https://integrazione.dlci.interno.it,
gamit ang mga datos na natanggap sa pagpirma ng agreement.
Paalala: Walang anumang pagsusuri sa mga nagtataglay ng permesso di soggiorno per motivo familiare o sa sinumang binigyan ng nulla osta para sa family reunification. Kahit pa mayroong 0 point, ay hindi maaaring mapatalsik. Maituturing na malaking bahagi ng mga dayuhan ang may motivo familiare na dumating sa bansa sa huling dalawang taon, panahon kung kailan ang pagpasok sa bansa para sa dahilan ng tabaho ay sinimulang ihinto.
Ayon sa Interior Ministry ay 66,000 ang mga kasunduan, magtatapos mula Marso hanggang Disyembre 2014, ngunit ang tunay na bilang ng mga susuriin ay 26,000. Ang mga tanggapan na may higit na bilang na susuriin ay ang Sportello Unico sa Roma (5,000) at sa Milan (2,000).