in

Integration agreement tuluyan ng ipatutupad!

Pinirmahan na ang regulasyon. Ilang araw na lang ang hinhihintay at ilalathala na sa Official Gazzette, ipatutupad sa loob ng apat na buwan.

altTuluyan nang magiging batas sa loob lamang ng ilang araw ang permesso di soggiorno a punti. Kailangan lamang hintayin ang 2012 bago ito ipatupad.

Ipinahayag sa batas ng seguridad 2009 na ang sinumang papasok at maninirahan sa Italya ay dapat pumirma sa kasunduan at dapat sumunod sa mga itinalagang layunin, tulad ng kaalaman sa wikang italyano, kaalaman sa Saligang Batas at functions ng mga institusyong italyano. Ang hindi makakatupad nito sa loob ng dalawang taon ay bibigyan lamang isa pang taon upang bumawi.

Upang sukatin ang antas ng integrasyon ng mga dayuhan, isasagawa ang point system na kailangang paramihin sa pamamagitan ng pag-iipon ng merits (halimbawa: diploma sa Italya) at babawasan naman ang puntos (demerits) (halimbawa: criminal conviction kahit ito’y hindi pa “final”). Kung umabot sa zero point, mababalewala ang permit to stay (permesso di soggiorno) at mapapauwi sa sariling bansa(deportation). Ang verification ay ipagkakatiwala sa mga Sportello Unici per L’Immigrazione na siya ring mag-oorganisa ng italian test at kulturang Italyano.

Mula taong 2009 hanggang sa kasalukuyan ang batas na ito ay nanatiling nakasulat lamang sa papel. Noong nakaraang linggo , ang teksto ay pinirmahan na ng pangulo ng Republika at sa ngayon ay naghihintay na lamang na dumaan sa Court of Auditors bago ilathala sa Official Gazzette.

Kailangan pa rin maghintay ng ilang araw bago malaman ang implementing procedures o mga detalye ng patakaran, at may panahon pa para diumano makasanayan ang mga ito. Ang kasunduan at point system ay isasagawa apat na buwan matapos na mailathala ang regulasyon at dapat alalahanin na ito ay para lamang sa mga bagong darating sa bansang Italya.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SSS CARAVAN IN ROME, ITALY

Family Day sa San Vittorino – tagumpay!