in

Interior Ministry sa mga Questure: “Hindi na babayaran ang buwis ng mga permit to stay”

Mabilis na sumunod ang Interior Ministry sa desisyon ng Council of State. Narito ang Circular. 

 

Roma, Oktubre 27, 2016 – Alam ng Questura na tinanggal na ang babayarang buwis (o kontribusyon)  na nagkakahalaga ng 80, 100 at 200 euros ng sinumang mag-aaplay ng issuance at renewal ng permit to stay. 

Ang Interior Ministry ay agad na nag-assess sa naging desisyon ng Council of State na tinanggihan ang apila ng gobyerno at kinumpirma ang tuluyang pagtatanggal sa buwis ng mga permit to stay. Kahapon matapos ang paglalathala sa naging desisyon, ang Direzione Immigrazione del Dipartimento di Pubblica Sicurezza ay nagpadala ng Circular sa lahat ng mga Questur at lakip ng hatol ang pagpapaliwanag ukol sa pagpapatupad nito. 

Ang mga dayuhang nasa renewal o releasing ang permit to stay ay hindi na kailangang sumunod sa pagbabayad ng halagang nasasaad sa artikolo 5, talata 2b, ng Testo Unico sull’Immigrazione (kung saan nasasaad ang pagbabayad ng kontribusyon sa releasing at renewal ng mga permit to stay) ngunit nananatili ang pagbabayad sa halaga ng electronic permit to stay”, tulad ng mababasang isinulat ng Direttore Giovanni Pinto. “At lahat ng mga kaso, kabilang ang proseso ng pagsusuri o paghihintay sa releasing ng nabanggit na dokumento ay kailangan lamang ang maghintay ng walang babayarang kontribusyon”, ayon pa dito. 

Ang permit to stay ay mainam na ipaalala sa lahat na hindi libre. Ang sinumang, simula ngayong araw na ito ay mag-aaplay o magre-renew ay kailangang magbayad pa rin ng 30,46 euros para sa electronic permit to stay, idadagdag dito ang 16 euros na marca da bollo na ilalakip sa aplikasyon at ang 30 euros na kabayaran sa Poste Italiane. Ang kabuuang halaga ay 76,46 euros. Ang sinumang nagsumite ng aplikasyon para sa issuance at renewal ng hindi nagbayad ng kontribusyon sa mga nakaraang buwan ay walang anumang dapat gawin dahil ang proseso ng issuance at renewal ay magpapatuloy.  

Paano ang mga nakapagbayad na? Kahit ang mga nagbayad matapos padalhan ng komunikasyon ng Questure sa mga nagdaang buwan? Sila ay hindi binanggit sa Circular. Nakasalalay sa gobyerno, sa lalong madaling panahon, ang paraan ng pagbabalik ng kanilang ibinayad kung nais na maiwasan ang pagsasampa ng reklmo ng mga imigrante.

Gayunpaman, ay kasalukuyang naghihintay ng mga lalabas pang balita.  

Ang Circular

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Magkasunod na pagyanig, naramdaman sa Central Italy

Mga Pilipino mula sa Norcia, darating sa Roma!