"As budgets tighten, we are seeing austerity measures that discriminate against migrant workers, xenophobic rhetoric that encourages violence against irregular migrants, and proposed immigration laws that allow the police to profile migrants with impunity. During economic downturns, it is worth remembering that whole sectors of the economy depend on migrant workers and migrant entrepreneurs help to create jobs."
Ban Ki-moon
Message for International Migrants Day
Noong Dec 4, 2000, ang UN General Assembly, sa pagsasaalang-alang sa mabilis na pagdami ng mga migrante sa buong mundo, ay nag-proklama na ang Dec 18 bilang International Migrants Day. Noong Dec 18, 1990, ang General Assembly ay ipinatupad ang International Convention on the Protection of the Rights of All Migrants Workers and Members of their Families.
Ang mga Member Sates ng UN, mga intergovernmental at non-governmental orgs ay nag-anyayang ipagdiwang ang araw na ito sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga impormasyon ukol sa human rights, ang mga pangunahing karapatan ng mga migrante, gayun din sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga karanasan at mga aksyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga migrante.
Ang 132 Member States na dumalo sa General Assembly’s High-Level Dialogue on International Migration and Development na ginanap noong Dec 14-15 2006 ay muling kinumpirma ang mahahalagang mensahe ng pagtitipon. Una, ay kanilang binigyang-diin na ang international migration ay isang lumalagong penomena at ito ay makakapagbigay ng positibong kontribusyon sa pag-unlad ng sariling bansa gayun din ng host country kung mayroong mga angkop na patakaran. Pangalawa, ay kanialng binigyang-diin din na ang paggalang sa pangunahing karapatan at kalayaan ng mga migrante ay esensyal upang anihin ang benepisyo ng international migration. Pangatlo, ay kanilang kinilala ang halaga ng kooperasyong internasyunal.
Sa 2013, ang General Assembly ng UN ay magtitipon para sa High-Level Dialogue. Muli ang pag-aanyaya ng Secretary General sa mga Member States na talakayin ang human rights bilang central issue sa pamamahala ng migrasyon, magpatupad ng kaukulang pagkilos bilang pagtugis sa irregular migration, lumikha ng mga apektibong alternatibo sa mga kulungan ng mga imigrante at siguraduhing ang health at ibang public services ay bukod sa awtoridad ng imigrasyon.
Sa araw na ito ng International Migrants Day, ay “nananawagan ako sa mga Member States na ratipikahan at ipatupad ang lahat ng mga instrumento ukol sa temang ito. At inaanyayahan ang lahat ng mamamayan upang tumulong sa pagtataguyod ng praktikal, ma-prinsipyo at kreatibong diskusyon kung paano masisiguro ang kaligtasan ng karapatan ng mga migrante, saan man sila naroron at anuman ang kanilang stado”, pagtatapos ni Secretary General Ban Ki-moon.