Ito ang naging desisyon ng isang hukom sa Milan. Si Dejan L. ay ipinadala sa Serbia, ang bansa ng kanyang mga magulang na hindi kailanman niya nakita.
Roma – Hulyo 5, 2012 – Ayon sa kanyang pasaporte, sya ay isang Serbian, ngunit ipinanganak at lumaki sa Italya. Para sa kadahilanang ito, ang isang hukom sa Milan ay kinansela ang deportation order kung saan ang isang kabataang Rom ay ipinadi-deport sa Serbia, ang bansa ng kanyang mga magulang, na hindi kaylan man nakita ng bata.
Noong nakaraang Abril 17, sa pagpapatupad ng deportation decree ng Marso 18 ng Prefecture ng Milan batay sa impormasyon mula sa Pulisya, ang dalawampu't-apat na taong gulang na si Dejan L, walang permit to stay ay isinakay sa eroplano upang dalhin sa Serbia. Noong 2011 ay ibinilanggo ng limang buwan, at pagkalabas ay tuluyang binigyan ng order of expulsion ng Questura. Sa paghihintay ng kanyang deportasyon, ay nanatili sa Cie (Centro di Indentificazione ed Espulsione) sa Milan sa Via Corelli.
Katapusan ng Marso, ang hukom ng Milan ay kinumpirma ang pagpapatalsik, isang desisyong nilabanan sa pamamagitan ng apila ng mga abugadong sina Eugenio Losco at Mauro Straini. Ilang araw na ang nakakalipas, ay inilabas muli ang desisyon ng bagong hukom, Claudio Bacherini, na bingyang diin sa kanyang hatol na si Lazic, ay isang mamamayan ng Serbia, ngunit ipinanganak at lumaki sa Italya kasama ang Italyanong kapatid. Bukod sa hindi kaylan mang paglabas sa bansang kanyang sinilangan, ang Italya.
Sa ngayon, ang Rom ay maaaring bumalik sa Italya at ang kanyang mga abogado ay kikilos upang magkaroon ng Italian citizenship, dahil na rin sa mga kamag-anak na Italyano nito.
Ang mga abogado ay nagreklamo sa pagpapatalsik sa Rom, ng hindi hinintay ang risulta ng apila. Ito ay inulat bilang isang katulad na kaso noong nakalipas na buwan, isa pang hukom – ang hukom sa Modena – ay sumang-ayon sa pagpapalabas sa dalawang magkapatid na Bosnian ngunit ipinanganak at lumaki sa Italya na ikinulong ng higit sa isang buwan sa Cie sa Modena.