Naganap sa paaralan ng ‘Pietro Giannone ‘ sa Caserta
Caserta – Binabaan ang grades ng isang mag-aaral ng kanyang guro sa Geography at sa paghingi ng mga paliwanag ang tanging naging sagot ng guro ay: “Hindi ka katulad ng iba, isa kang itim”.
Ang “Corriere del Mezzogiorno”, ang naglabas ng masidhing kaganapan sa buhay ng isang mag-aaral, na naganap sa ‘Pietro Giannone’ sa Caserta, na walang pag-aatubiling nireport naman Principal ng nasabing eskwelahan sa mas nakakataas. Si Maria Bianco, ang guro na nasa ilalim ng pagmamasid matapos ang mga unang reklamo buhat sa mga mag-aaral at ilang magulang. Matapos ipaalam ng magulang ng isang 12 taong gulang na mag-aaral ang mga pang yayari, ang Principal ay humingi ng kumpirmasyon sa mga kaklase at pareho ang naging kwento ng mga ito. Madaliang tinawag ng Principal ang guro at sa kasalukuyan ay naka sick leave.
Ang reaksyon
”Nabigla ako sa aking mga nabasa sa ‘Corriere del Mezzogiorno’. Kahiya-hiya ang mga ganitong lantarang kaso ng rasismo na sa buong akala ng lahat ay naibaon na sa limot ng nakaraan ngunit bumabalik sa kasalukuyan”. Ganito ang mga naging pananalita ni Pina Picierno, PD sa Parlyamento.
“Ikaw ay hindi katulad ng iba, isa kang itim”. Ganito ang naging kasagutan ng isang guro ng Geography matapos itong kwestyunin ng mag-aaral sa natanggap na grades. ”Umaasa ako na sa lalong madaling panahon ay ipapataw ang parusa at tatanggalin sa pagtuturo ang gurong ito”, pagtatapos pa ni Picierno.