in

“Isang bilyon, nasasayang sa pagbibigay ng benepisyo sa mga di kwalipikadong dayuhan” – Salvini

Sa pagsasalita ni Salvini kamakailan ukol sa reporma ng pensyon, isang post sa social media ang inilathala ng Interior Minister ukol umano sa pagbibigay ng assegni sociali o welfare benefit sa mga imigrante na dumating sa Italya sa pamamagitan ng ricongiungimento familiare na hindi kahit kailan naghulog ng kontribusyon sa Inps.

Ayon sa Interior Minister ay isang bilyong euros umano ang nasasayang sa pagbibigay ng benepisyong nabanggit sa mga hindi kwalipikadong dayuhan at nais itong tanggalin ng Ministro at sa halip ay gamitin ito sa pagtataas sa halaga ng minimum pension ng mga Italyano.

Umabot na sa isang bilyon ang social pension na ibinibigay sa mga imigrante na dumating sa Italya sa pamamagitan ng family reunification, na may edad higit sa 65 anyos na hindi kahit kailan nagbayad ng kontribusyon”, ayon kay Salvini sa pagsasalita nito sa isang tv transmission.

Ito ay walang katotohanan!

Ang assegno sociale ay isang benepisyo na nakalaan din kahit sa mga dayuhan, ito ay totoo.

Kailangan ang pagkakaroon ng edad na 66 taon at 7 buwan, kabuuang sahod na mas mababa sa itinalagang halaga ng batas at ang 10 taong paninirahan sa Italya. Ang mga dayuhan ay maaaring matanggap ang benepisyo sa pagkakaroon lamang ng EC long term residence permit o ang ex carta di soggiorno at ito ay nagbibigay duda sa mga sinabi ni Salvini. Dahil upang magkaroon ng EC long term residence permit ay kailangan munang patunayan ang 5 taon ng residency at pagkakaroon ng sahod na hindi bababa sa halaga ng assegno sociale.

At ang pagtanggap ng assegno sociale pagdating sa Italya ng mga dayuhan ay walang katotohanan dahil sa kawalan ng angkop na sahod at kakulangan sa taon ng residency.

Ngunit ang tinutukoy ni Salvini ay ang family reunification o ang ricongiungimento familiare. At ang kasalukuyang regolamento ay maituturing na mahigpit dahil ang sinumang nais papuntahin sa Italya ang miyembro ng pamilya ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng angkop na tirahan at sahod na mas mataas sa halaga ng assegno sociale.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bowling Tournament sa ika-apat na anibersaryo ng RAM-IE

7 taong gulang na bata mula sa Roma, namatay sa Pilipinas dahil sa jellyfish