“Kung babayaran namin ang 200 euro para sa mga permit to stay, ano ang kakainin namin pagkatapos”
Roma, Pebrero 20, 2012 – Ito ang tahimik na pagtutol sa Ministry of Interior noong nakaraang Sabado, kung saan nagprotesta ang dalawa hanggang tatlong daang mga imigrante upang ipakita ang paglaban sa overtaxing sa mga permit to stay.
Ang mga imigrante na binubuo ng iba’t ibang nationalities, na pinamunuan ng ‘Blocchi precari metropolitani’, isang organisasyon sa Rome, na sumusuporta sa paglaban para sa tahanan, matatag na hanapbuhay at nagbukas ng ilang windows sa capital upang tulungan ang mga hindi makapag-salita ng wikang Italyano at maisumite ang mga dokumentsayon ukol sa permit to stay, citizenship, tahanan at maging ukol sa kalusugan.
Kabilang sa mga protesta ay ang mainit na usapin ukol sa pagtaas sa buwis: 80 Euro para sa isang taon, 100 euro para sa dalawang taong validity at 200 euro para naman sa kilalang carta di soggiorno. “Kami ay isang pamilya na binubuo ng apat na miyembre- ayon sa isang imigrante na naninirahan at kasalukuyang nagtatrabaho sa Roma – kapag kami ay nag-up date ng aming carta di soggiorno ay isang malaking problema:. 800 euro, ang kalahati ng suweldo sa isang buwan ay mapupunta lamang sa buwis. At sa buwan na iyon, ano ang kakainin namin? “Ito ang katanungan ng mga imigrante habang naghihintay sa isang delegasyon ng mga imigrante, na sinamahan ng grupo ng Bpm, sa pagbabalik mula sa pulong kasama ang kinatawan ng Ministry of Interior, Anna Maria Cancellieri. Ang magtrabaho upang kumita ng pera at bayaran lamang ang permit to stay, ay isa lamang sa mga usapin ukol sa imigrasyon.
Sa kalahatian ng Marso, paalala pa ng mga migrante sa harapan ng Ministry, ay ipapatupad ang ‘permesso di soggiorno a punti’ na itinuturing na isang kasangkapan ng “sapilitang integrasyon” – tulad ng mababasa sa isang press release- na tila ang dayuhan ay kukuha lamang ng isang Italian driver’s license.