Dinoble ang panahon ng rehistrasyon sa employment agency (liste di collocamento) at makakatanggap rin ng income support. Narito ang nilalaman ng panukalang batas ng pamahalaan.
Roma – Abril 5, 2012 – Higit na panahon para sa mga imigranteng manggagawa na nawalan ng trabaho upang humanap ng iba. Ito ay upang maiwasan, dahil sa kasalukuyang krisis, ang maraming mga walang hanapbuhay ay maging mga ilegal na imigrante.
Ang balita, na inihayag ng pamahalaan kamakailan, ay napapaloob sa isang artikulo ng panukalang batas sa reporma sa Labour Market, na matatagpuan sa ibaba ng pahina. Iilang mga linya upang baguhin ang teksto ng batas sa imigrasyon at sa pagiging ganap na batas nito, ay magkakaroon ng isang malaking epekto sa buhay ng mga imigrante sa Italya.
Nasasaad sa panukala na ang rehistrasyon sa employment agency, ay magbibigay karapatan upang magkaroon ng isang taong permit to stay upang makahanap ng panibagong trabaho (ngayon ay anim na buwan lamang) at sa panahong ito ay tatanggap ng income support tulad ng mga lay offs (cassa integrazione).
Pagkatapos nito, upang manatili sa Italya, ang dayuhan ay dapat magpakita ng isang kita o sahod na katumbas ng halaga ng yearly social benefit (assegno sociale).
Ngayon ang panukala ng Gobyerno ay mapupunta sa Parliyamento. Samantala, ang mga datas mula sa Istat ay nagpapakita ng pangangailangang baguhin ang mga alituntunin para sa mga imigrante na nawala ng kanilang trabaho: sa last quarter ng 2011 ang rate ng nawalan ng trabaho ay umabot sa 14.8% (laban sa 9.6% na naitala sa buong bansa), kumpara sa 12.2% noong nakaraang taon.
Art. 58
(Interventi volti al contrasto del lavoro irregolare degli immigrati)
1. All’articolo 22, comma 11, secondo periodo, del decreto legislativo 25 luglio 1998, n. 286, le parole “per un periodo non inferiore a sei mesi” sono sostituite dalle seguenti: “per un periodo non inferiore ad un anno ovvero per tutto il periodo di durata della prestazione di sostegno al reddito percepita dal lavoratore straniero, qualora superiore. Decorso il termine di cui al periodo precedente, trovano applicazione i requisiti reddituali di cui all’articolo 29, comma 3, lettera b)”.