in

ISTAT – 4,4 milyon mga dayuhang residente

Noong 2012, ang mga imigrante na nakarehistro sa Registry office o Anagrafe ay tumaas ng 8,2%, dahil sa ginawang correction sa huling Census. Hindi mga Italyano ang 15% ng mga bagong panganak. Ang nagkaroon ng Italian citizenship ay umabot naman sa +16.4%.

Rome – Hulyo 29, 2013 – Ang mga dayuhan g residente sa Italya hanggang Enero 1, 2013 ay 4,387,721, higit ng 334,000 kumpara noong nakaraang taon ( + 8.2%). Ito ay ayon sa ISTAT, sa isang ulat na inilathala kamakailan na naglalarawan ng demographic evaluation noong nakaraang taon.

Ang kalkulasyon ng populasyon ng mga banyagang residente ay muling ginawa sa pamamagitan ng Census noong 2011, idinagdag sa populasyong na-census noong Oktubre 9, 2011 ang karagdagang pagpaparehistro mula Oct 9 hanggang Dec 31, 2011 at ang taong 2012.

Ang bilang ng mga banyagang mamamayan sa kabuuang bilang ng mga residente (Italians at mga dayuhan) ay patuloy na tumaas mula sa 6.8% noong Enero 1, 2012 sa 7.4% soong Enero 1, 2013.

Kasunod ng ginawang senso ng populasyon ng mga residente, ang mga munisipyo ay sinimulan ang operasyon ng rebisyon ng mga rehistrado na nagbigay ng naunang bilang, at dahil sa ginawang correction, katumbas ng + 72,164 na kumakatawan sa higit 20% ng pagtaas ng populasyon ng mga dayuhan noong 2012. Ang operasyon ay matatapos hanggang Dec 31, 2013 at maaaring magbigay ng karagdagang pagbabago.  

Ang bilang ng mga dayuhang residente noong 2012 ay tumaas higit sa lahat dahil sa imigrasyon mula sa ibang bansa (321,000), ngunit sa kabilang bahagi, ay dahil rin sa mga ipinanganak na mga dayuhang bata (80,000).

Ang mga banyagang ipinanganak noong 2012 ay kumakatawan sa 15% ng kabuuang bilang ng mga ipinanganak na mga residente sa Italya. Kung ikukumpara sa nakaraang taon, ang pagdami ng mga ipinanganak na mga banyagang sanggol ay mas mababa ng 1% kumpara noong 2011 para sa taong 2010 (+1.3%).

Ang bilang ng mga dayuhang residente sa bansang Italya ay kumpirmadong hindi pare-pareho bawat rehiyon. Ang 86% ng mga dayuhan ay nakatira sa hilaga at sentro ng bansa, ang natitirang 14% ay sa South naman. Ang pinakamalaking pagtaas ng bilang sa taong 2012, gayunpaman, ay sa South (+12%) at ang Mga Isla (+10.9%).

Sa taong 2012, 65,383 naman ang mga dayuhang nagkaroon ng Italian citizenship, +16.4% kumpara sa nakaraang taon. Sa bilang ay kasama ang mga naging citizen dahil sa kasal, naturalization, ang dependent minor ay awtomatikong naging italyano dahil sa pagiging Italian citizen ng dayuhang magulang, sa pagsapit ng ika-18 taong gulang at pagiging regular na residente sa Italya buhat sa kapanganakan, sa pamamagitan ng ius sanguinis.  

Istat. La popolazione straniera residente in Italia. Bilancio demografico. Anno 2012

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Saksi ni Jehova, nagdaos ng taunang Kombensyon

Permesso di soggiorno per studio, maaaring gamitin sa trabaho?