in

ISTAT: Imigrante, na-triple ang popolasyon sa walong taon

“Higit sa 5 milyon kung kasama ang mga irregulars”

altRoma, Marso 16, 2012 – Sa walong taon ang bilang ng mga dayuhang naninirahan sa Italya ay na-triple, higit sa 4.5 milyon. Dapat pang idagdag dito ang 600,000 na mga dayuhang  walang permit to stay na inistima ng Caritas.

Ito ang kinumpirma ng Presidente ng  Istat, na si Enrico Giovannini, sa isang pulong ukol sa “Etika at Imigrasyon.” “Kabilang dito ang regularization ng nakaraang taon – sibi pa ni Giovannini – gayun din ang maraming dokumentasyon ng family reunification, lalo na sa mga European countries”.

Ang mga dayuhang manggagawa ay nagpapadala ng mga remittances sa sariling bansa ng 0.5% ng GDP, isang  makabuluhang paglago na noong 2000 ay 0%. “Isang nakakabahalang katotohanan para sa integrasyon , pahiwatig pa ni Giovannini, ay ang pagkakaiba ng mga sahod sa pagitan ng isang dayuhan at ng isang Italyano na ayon sa tala ng Istat, ang average na kita ng mga dyuhan ay katumbas ng 56% ng mga Italyano”.

Ang isa pang nakakabalisang katotohanan ay ang mataas na bilang ng mga humihinto sa pag-aaral: kung 13 % ang antas ng mga kabataang Italians para sa trabaho, ay 40% para sa mga kabataang dayuhan, maaaring sanhi ay ang pagbabalik ng mga pamilya sa mga sariling bansa, ngunit nananatiling mataas ang bilang , na maaaring maglantad ng pagkakasangkot  sa krimen ng mga ito, tulad ng mga baby gangs.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy, ikalimang popolasyon sa Lombardy Region

Ano ang Mahal na araw para sa mga Katoliko?