Sa huling dalawampung taon, ang permit to stay para sa pamilya ay tumaas mula 12.8% hanggang sa 31.1% ng kabuuan.
Roma, Enero 23, 2013 – Tatlong doble: sa huling sampung taon, ang bilang ng mga imigrante at residente sa Italya ay tumaas ng tatlong beses, tulad ng nabanggit sa publication “Noi Italia: cento statistiche per capire il Paese in cui viviamo', na inilunsad ng head ng Istat na si Enrico Giovannini, ukol sa resulta ng huling Census ng buong populasyon.
Sa simula ng 2012, ang mga dayuhang mamamayan na naninirahan ng regular sa Italya ay tinatayang higit sa 3.600.000, higit ng 100.000 katao kumpara noong nakaraang taon. Ang influx o ang pagpasok ng mga bagong dayuhan naman ay malaki ang ibinagal simula 2010 hanggang 2011, dahil ang mga permit to stay na inisyu ay mas mababa ng 40%. Kahit pa na sa huling dalawampung taon, ang mga permit to stay para sa pamilya o (permessi di soggiorno per motive familiari) na tumaas ng 12.8% hanggang 31.1% ng kabuuan. Isang pagtaas din ng bilang ng mga non-EU minors, na tumaas mula 21.5% ng taong 2011 sa 23.9% ng taong 2012.
Kung level of instruction naman ng mga imigrante ang pag-uusapan, sa pagitan ng 15 hanggang 64 edad, ay lumalabas na halos kapareho ng average ng mga Italians: ang 49.9% ay high school graduates, ang 40.9% ay second degree high school graduates, at 9.2 % naman ay college graduates. Ang ‘work force’ ng mga dayuhan sa Italya ay kumakatawan sa 10.2% ng kabuuan. At ang employment rate naman ay mas mataas: 66.2% kumpara sa 60.7% ng mga Italians: habang ang unemployment rate ay 12.1% kumpara sa 8% ng mga residenteng Italians.