Ang sinumang ipinanganak at lumaki sa Italya ay hindi na maaapektuhan ng "hindi pagtupad sa administrative procedure" (o ang tinatawag sa wikang italyano na inadempimenti di natura amministrativa) ng mga magulang o ng Comune. Makalipas ang 18 anyos, impormasyon buhat sa Comune ukol sa posibilidad ng pagiging Italian citizen.
Rome – Hunyo 25, 2013 – Nabawasan ang mga hadlang para sa mga kabataang ipinanganak at lumaki sa Italya na anak ng mga imigrante, na sa pagsapit ng ika-18 taong gulang ay nagnanais na maging ganap na italyano. Hindi ang pagkukulang ng mga magulang o ng public office ang magiging hadlang sa kanilang pagiging Italian citizen.
Ito ay nakasulat sa decreto legge n. 69/2013, “Disposizioni urgenti per il rilancio dell'economia”, ipinatutupad simula noong June 22, 2013. Isang artikolo nito, sa katunayan, ang nagsasaad na ang “Simplipikasyon sa proseso ng pagkakaroon ng italian citizenship ng mga dayuhang ipinanganak sa Italya”, ayon na rin sa kagustuhan ng bagong Ministro ng Integrasyon Cècile Kyenge.
Binawasan ang mga hadlang
Ano ang sinasaad dito? Higit sa lahat, sa sinumang nag-aplay ng italian citizenship pagsapit ng 18 anyos “ay hindi maaapektuhan ng hindi pagsunod sa administrative process ng mga magulang o ng tanggapang publiko” na “mapapatunayan ang pagkakaroon ng mga angkop na dokumentasyon”.
Sa ganitong paraan ay masosolusyunan, halimbawa, ang mga kasong naka-pending sa dahil sa ‘patlang’ ng panahon ng pagpapatala sa anagrafe. Sa katunayan, ay maaaring ang isang bata ay nagpatuloy na naninirahan ng regular sa Italya, kasama ang mga magulang na nagtataglay ng permit to stay, ngunit pansamantalang nawala sa listahan ng mga residente dahil sa paglipat ng tirahan ng pamilya at hindi ipinagbigay-alam ang naganap na paglipat gayun din ang bagong address sa public administration kung saan nanirahan.
Sa ngayon, hindi na batayan ang tinatawag na ‘certificati storici di residenza’ bagkus ang ilang uri ng doukumento tulad ng school certificate, certificate of vaccination o medical certificate. Hindi makatwirang tanggihan ang pananatili sa Italya ng isang bata, na hindi nakatala bilang residente, ngunit pumapasok naman sa elementary school, na nagpa-bakuna ng anti-tetano o na-confined dahil sa tosillitis.
Sa katunayan, isang ‘maluwag’ na paraan sa pagsusuri ng mga patunay ng pananatili sa Italya, sa kaso ng maigsing panahon ng ‘patlang’ sa listahan ng mga residente, na una ng nasasaad sa isang Circular noong 2007 na pinirmahan ni Minister Giuliano Amato, ng Interior. Gayun din ng iba’t ibang mga hatol sa mga tinanggap na apila buhat sa mga kabataang nasa sitwasyong nabanggit, kung magpapakita ng katibayan na ipinanganak at lumaki sa Italya.Ang mahalaga sa ngayon ay ang lahat ng ito, sa pagiging batas sa wakas ay ipatutupad sa lahat.
“Magtungo ng Comune at maging ganap na Italyano”
At hindi natatapos dito. Ayon sa dekreto, ang operator ng Civil Status, sa pagsapit ng 18 anyos ng mga kabataan, ay kinakailangang ipagbigay-alam ang posibilidad ng pag-aaplay ng italian citizenship bago sumapit ang 19 anyos sa Comune kung saan residente. Kung ito ay hindi magaganap, “ang karapatan ay maaari pa ring matanggap pagkalipas ng nabanggit na edad”. Isang mahalagang pagbabago, na magpapahintulot sa mga kabataan ng ikalawang henerasyon na kilalanin ang kanilang karapatan, sa pagiging higit na responsabile ng mga Comune.
Ang pagbabagong ito ay nagpapakita ng mas mahusay na proseso. Ang pagpapadala ng mga liham sa mga naging 18 anyos ay isang inisyatibang boluntaryong sinimulan na ilang administrasyon, na kabilang ng Anci sa kampanyang “18 anni, in Comune”.
Tulad ng nilalaman ng liham ng Comune di Milano:
“Caro/a, nell’anno in corso compirai o hai compiuto i 18 anni, un passaggio molto importante e delicato. Questo momento, fondamentale anche per tutti i tuoi coetanei, sarà per te ancora più decisivo perché potrai finalmente richiedere la cittadinanza italiana: ne hai assolutamente diritto…”
“E' una finestra sui tuoi diritti di cui puoi però usufruire solo per un anno. Infatti quando compirai 19 anni purtroppo questa opportunità verrà meno e per ottenere la cittadinanza italiana potrai rivolgerti unicamente al Ministero dell’Interno, tramite la Prefettura, con tempi e costi della pratica decisamente più impegnativi”.
Ang mga inaasahang bunga ay hindi nagtagal, kung tunay na sa pamamagitan ng impormasyon o liham buhat sa mga Comune, ang bilang ng mga kabataang nag-aplay ng citizenship ay dumami. At sa ngayon ay ganito na ang magiging sitwasyon sa buong bansa.
DECRETO-LEGGE 21 giugno 2013, n. 69 Disposizioni urgenti per il rilancio dell'economia.
(GU n.144 del 21-6-2013 – Suppl. Ordinario n. 50 )
Art. 33
(Semplificazione del procedimento per l'acquisto della cittadinanza per lo straniero nato in Italia)
1. Ai fini di cui all'articolo 4, comma 2, della legge 5 febbraio 1992, n. 91, all'interessato non sono imputabili eventuali inadempimenti riconducibili ai genitori o agli uffici della Pubblica Amministrazione, ed egli puo' dimostrare il possesso dei requisiti con ogni altra idonea documentazione.
2. Gli Ufficiali di Stato Civile sono tenuti al compimento del diciottesimo anno di eta' a comunicare all'interessato, nella sede di residenza quale risulta all'ufficio, la possibilita' di esercitare il diritto di cui al comma 2 del citato articolo 4 della legge n. 91 del 1992 entro il compimento del diciannovesimo anno di eta'. In mancanza, il diritto puo' essere esercitato anche oltre tale data.