in

Italian citizenship application, online na lamang

Mula June 18 ay tuluyan ng tinanggal ang pagtanggap sa mga aplikasyong papel. Ang Prefecture ay pupuntahan lamang sa pagsusumite ng orihinal na dokumento.
 

 

 


Roma – Hunyo 19, 2015 – Sinimulan kahapon ang pagsusumite ng aplikasyon online para sa pag-aaplay ng italian citizenship.
 
Simula kahapon, June 18, 2015, ang mga aplikasyon para sa citizenship ay ipapadala online sa pamamagitan ng website ng Interior Ministry. Matapos ang isang buwan kung saan ang pagsusumite online ay kasabay ng pagsusumite ng aplikasyong papel na tuluyang nang tinanggal simula kahapon. Ito ay nangangahulugan na hindi na maaaring magsumite ng aplikasyon ng personal sa prefecture dahil kadalasan ay ito ang sanhi ng paghihintay ng matagal na panahon upang magkaroon ng appointment.

Ang bagong pamamaraan o ang pag-aaplay ng parehong citizenship by residency o by marriage ay gagawin sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior https://cittadinanza.dlci.interno.it, kung saan kailangan ang mag-rehistro, sagutan ang mga kinakailangang forms at ilakip ang mga e-files o scanned documents tulad ng pasaporte, birth certificate, police clearance at ang pinagbayarang 200 euros para sa kontribusyon. Kailangan din ang revenue stamp na nagkakahalaga ng 16 euros.
 

Matapos ipadala ang aplikasyon ay maaaring sundan ang buong proseso nito online sa pamamagitan ng parehong website, pati na rin ang petsa kung kailan magpupunta sa Prefettura para dalhin ang mga orihinal na dokumento at ilang mga requirements tulad ng ukol sa sahod. Narito ang maikling gabay para sa online at lahat ng bawat hakbang ng bagong parmamaraan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paano bibigyang-bisa sa Italya ang kursong tinapos sa Pilipinas?

Dipolog Community Rondalla Concert tagumpay sa Milan