in

Italian citizenship hinihiling na rin ng Serie A

Hiling ng Lega Professionisti “batas na magpapadali at magpapabilis sa pagbibigay ng italian citizenship para sa mga menod de edad na ipinangank sa Italya na dayuhan ang mga magulang”.

Roma – Septiyembre 25, 2014 – Nagsasayang ang Italya ng kanyang mga ‘talents’ dahil patuloy na kinikilala ang ikalawang henerasyon bilang mga dayuhan. Ito ay matagal ng naririnig ngunit sa ngayon ay tila naramdaman na rin ito sa larangan ng sports, partikular sa calcio o football.  

Isipin na lamang ang istorya ng Mario Balotelli, ipinanganak sa Palermo at lumaki sa Brescia, ngunit naghintay na sumapit ang ika-18 taong gulang bago nagkaroon ng italian citizenship at naging ganap na italyano. Samantala, ang mga koponan na nagnanais syang kunin at paglaruin ay nag-count down sa paghihintay para sa panuntunan ng mga non-EU players.

Sa ngayon ang Lega Nazionale Professionisti Serie A, na binubuo ng mga lumalahok sa laro ay hinihiling na palitan ang batas.

Sa isang dokumentasyon na inaprubahan ng Lega Professionisti noong nakaraang July 24, ngunit kamakailan lamang lumabas, ay makikitang kasama ng mga tema tulad ng multiproperty o reporma ng championship ang tema ng “pagkilala sa ius soli” para sa pagbibigay ng italian citizenship sa larangan ng sport.

Ayon sa mga pili at kilalang tao sa likod ng Italian football, kailangan umano ng panuntunan na magpapadali at magpapabilis sa pagbibigay ng italian citizenship  para sa mga anak ng mga dayuhang ipinanganak sa Italya tulad ng ilang model countries sa Europa gaya ng Germany, England at Spain.

Gayunpaman, pananatilihin ang pag-aalaga at proteksyon sa mga tunay na Italians. Kaya, habang naghihintay ng panukala ukol sa pagkilala ng ius soli sa ikalawang henerasyon, ayon sa dokumento, ay kailangang magkaroon ng mga “bago at mas mahigpit na regulasyon para sa pagiging kasapi ng mga manlalarong kabataang non-Eu players sa football.

Hindi naman sang-ayon ang Lega sa quota system para sa mga bagong darating galing sa ibang bansa, ngunit nagmungkahi na sa pagbibigay ng permit to work para sa mga non-EU players ay kailangang alinsunod sa minimum requirements ng kalidad ng football, tulad sa Premier League.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ministry of Education naghahanap mula janitors hanggang secretaries, mga dayuhan excluded!

Bidelli stranieri? Paglilinaw buhat sa Ministry