in

Italian citizenship, ipinagkaloob sa mga kabataang Pilipino kahit dating undocumented ang magulang

Ang Hukom ng Bari ay pinahintulutang maging italyano ang dalawang kabataang Pilipino na ipinanganak at lumaki sa Italya. “Ito ay isang karapatang hindi dapat maapektuhan ng permit to stay ng mga magulang sa kanilang kapanganakan”. 

 

Sina Jonas at Angela ay ipinanganak at lumaki sa Italya, sapat na dahilan upang ituring na Italyano. Hindi mahalaga kung ang mga magulang, sa kanilang kapanganakan ay walang regular na permit to stay. 

Sa dalawang hatol kamakailan, dinagdagan ng hukuman ng Bari ng isang mahalagang dokumento na papabor sa ikalawang henerasyon.  

Sa pagkakataong ito, ang dalawang kabataang nabanggit ay pawang mga Pilipino na hanggang sa kasalakuyan, para sa batas ng Italya ay mga imigrante. Ang dalawa ay ipinanganak noong 1995 sa Modugno, malapit sa Bari. Tanging ang pagpasok sa paaralan, ilang kilometro ang layo sa sentro ng lungsod, kung saan pumasok ang magkapatid, ang maituturing na ‘migrasyon’ ng dalawa.   

Sa pagsapit ng ika-18 taong gulang ng dalawa, ay nag-aplay sa Comune di Bari para sa pagiging ganap na italyano o naturalization at sa pagkakataong ito, ay kanilang nadiskumbre ang posibleng hadlang sa kanilang aplikasyon. 

Sa taon ng kanilang kapanganakan, taong 1995, ang kanilang mga magulang ay walang permit to stay. Sila ay narehistro lamang sa anagrafe makalipas ang isang taon, 1996, matapos maging regular ang mga magulang.

Ayon sa registrar ng Lungsod: “Walang magagawa, hindi kayo maaaring maging italyano”. Dahil sina Jonas at Angela, ilang buwan makalipas ipanganak ay naging ‘iligal’ tulad ng kanilang mga magulang. At ang ius soli sa sinumang naninirahan lamang ng legal mula kapanganakan ay tunutulan ng batas 91/1992 ukol sa Italian citizenship. 

Upang malabanan ang hadlang na ito ay nagsampa ng kaso ang dalawa na tumagal ng halos tatlong taon, sa tulong ng Inca at CGIL sa Bari. Noong nakaraang Feb 24, ay nanalo ang kanilang kaso. Ang hukom na si Cristina Fasano ay nagbigay ng malawak na interpretasyon batay sa ibang batas, ang batas 98/2013, kung saan nasasaad na ang sinumang ipinanganak at lumaki sa Italya na nagnanais na kilalanin bilang mga Italyano “ay hindi maaaring hadlangan dahil sa naging sitwasyo ng mga magulang”. 

Ang kahilingan nina Jonas at Angela, tulad ng paliwanang ng hatol ay “hindi maaaring hatulan dahil sa pagkaka-antala ng permit to stay ng mga magulang”. At ipinasya ng hukom na ang dalawang magkapatid ay mayroong “kaparatang kilalanin bilang mga mamamayang italyano” at ipinag-utos sa civil officer na magpatuloy. 

Ang paghintayin ng tatlong taon upang kilalanin ang isang malinaw at karapat-dapat sa karapatan ay masakit. Ano ang kasalanan ng mga bata sa pagkukulang ng mga magulang? Marami na ang ganiotng uri ng hatol, at oras na upang ang mga Comune ay mag-assess, ng hindi na kinakailangan pang magsampa ng kaso”, ayon kay Rezarta Celiku, ang responsabile ng Immigration Department ng Cgil Bari. 

Ipinaalala rin ng lider ng union sa kanilang pangangalap ng mga pirma para sa kampanyang “l’Italia sono Anchi’io”. Ukol sa panukalang pagkalooban ng italian citizenship ang sinumang ipinanganak sa Italya, marami ang pabor dito at nagulat sa pag-aakalang ito ang nasasaad sa batas. Sa halip, ang reporma ay nananatiling naka-pending at upang maipatupad ang batas ay kailangang dumaan pa sa mga paglilitis. 

Ano ang pagkakaiba nina Angela at Jonas mula sa kanilang mga kasamahan? Ang kulay ng balat? Ang bansang pinagmulan?” dagdag pa ni  Celiku. “Si Angela ay isang class president, sa ngayon ay nag-aaral sa Accademia delle Belle Arti at nais maging isang fashion designer. Si Jonas naman ay isang chef sa isang sushi restaurant at upang makapag-trabaho ay isinantabi ang husay at pagmamahal sa hiphop. Sono italiani, sono baresi. Altro che stranieri”

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay, nasawi sa isang car accident

17,000 seasonal workers para sa mga produktong Made in Italy