in

Italian citizenship sa loob ng 4 na taon, pagbabagong hatid ng Decreto Salvini

Bukod sa unang inilathala ng Ako ay Pilipino ukol sa paghihigpit sa pagbibigay ng Italian citizenship: obligadong pagbabayad ng buwis, pagkakaroon ng itinakdang sahod at pagpapawalang-bisa nito, ang reporma sa batas ng citizenship na nilalaman ng decreto Salvini ay nagsasaad din ang 48 buwan o 4 na taong pagproseso sa aplikasyon ng mga citizenship by residency at by marriage. At hindi na 2 taon tulad sa kasalukuyang regulasyon.

Ang mga aplikasyon bang nasa loob na ay makakasama sa pagpapatupad ng apat na taong proseso nito?

Oo, ang bagong patakaran ukol sa panahon ng proseso ng 4 na taon mula sa araw ng pagsusumite nito ay i-aaplay din kahit sa mga aplikasyon na nakapasok na.

Ang dekreto Salvini ay isang reporma na tinitiyak umano ang masusing pagsasagawa ng angkop na pagsusuri sa pagbibigay ng italian citizenship na patuloy ang pagdami.

Sa katunayan,bilang resulta sa mabilis na pagdami ng mga dayuhan sa Italya ay kasalukuyang sinusuri ng Ministry of Interior ang 300,000 aplikasyon ng italian citizenship.

Ang lahat ng mga aplikasyon ay dadaan sa mahigpit na pagsusuri o ‘screening’ sa tulong ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng Ministry of Foreign Affairs, awtoridad sa seguridad at iba pa.

Ayon sa Ministry of Interior ang malalim at masusing pagsusuri umano ay kinakailangan din upang labanan at tugisin ang international terrorism bukod pa sa lumalalang paggamit ng mga pekeng dokumentasyon mula sa country of origin na isinusumite ng mga aplikante.

Dahilan ng pagdami ng mga rejected o refused na mga aplikasyon na sa unang semester ng taon ay umabot na sa 60% ng kabuuan kumpara noong nakaraang taon, napakaraming ‘contenzioso’ at 4,500 apela ng mga pending application.

Dahil sa mga nabanggit, ang tama at epektibong pagsasagawa ng proseso ng citizenship ay magiging sanhi umano ng mas epektibong social inclusion sa bansa ng mga magiging naturalized Italians.

Samakatwid bilang buod, para sa reporma ng citizenship ng Decreto Salvini para maging karapat dapat pagkalooban ng italian citizenship by residency at by marriage: 1) hanggang 4 na taong proseso ng aplikasyon 2) ang aplikante ay walang anumang penal case 3) kahit ang mga miyembro ng pamilya na kapisan (conviventi) ay walang penal case 4) hindi itinuturing na social threat 5) may mabuting pag-uugali 6) sahod na katumbas ng halaga ng assegno sociale 7) pagbabayad ng buwis.

 

Basahin rin:

Decreto Salvini, nalalapit na!

Italian citizenship sa loob ng 4 na taon, pagbabagong hatid ng Decreto Salvini

 

 

PGA

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Balik Eskwela

I Paramedici Protezione Civile Filippini, nagdiwang ng ika-7 taong anibersaryo