in

Italian citizenship, simula ng aplikasyon para sa mga same-sex civil partners

Simula noong February 11, ang mga dayuhang may Italian gay o lesbian civil partner ay maaaring maging ganap na ring Italyano/a sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior. 

 

 

Roma, Pebrero 13, 2017 – Sa pagkilala ng batas ng Italya sa same-sex civil union na inaprubahan noong nakaraang taon, ang proseso ng citizenship through marriage ay ipinatutupad na rin sa mga same-sex civil partners

Ang isang dayuhan, babae o lalaki na sa pamamagitan ng batas ay may same sex Italian partner ay maaaring maging italyano/a rin. Ang aplikasyon ay katulad ng sa citizenship through marriage na maaaring isumite ang aplikasyon makalipas ang dalawang taon ng pagsasama at paninirahan sa Italya; tatlong taon naman kung naninirahan sa labas ng Italya. 

Ilan buwan pa lamang ang nakakalipas matapos itong aprubahan sa Italya at wala pang civil partners ang umaabot ang pagsasama sa nabanggit na panahon. Ngunit ang bagong batas ay nagbigay ng pahintulot na kilalanin ito sa mga civilly united sa ibang bansa o mga bansa kung saan ito ay may pahintulot ilang taon na. At samakatwid, ay maaaring mayroon ng nais na maging Italian citizen. 

 “Noong February 11 ay sinimulang ipinatupad ng aming tanggapan ang pagtanggap ng mga application online, mula sa mga same-sex civil partners sa pamamagitan ng website ng Minsitry of Interior: https://cittadinanza.dlci.interno.it”,  pahayag ng Interior Ministry.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

P2 bilyon para sa relief operations sa Surigao

17,000 Seasonal workers, inaasahan sa nalalapit na flussi 2017