in

Italian language exam bilang requirement sa aplikasyon ng Italian citizenship, bagong panukala

Iminungkahi kamakailan nina FI deputees Roberto Bagnasco at Roberto Cassinelli kay Interior Minister Matteo Salvini sa ginawang question time ang isang bagong requirement para sa mga kwalipikadong pagkalooban ng Italian citizenship.

Ito ay ang tamang paggamit at pagsasalita ng wikang italyano sa pamamagitan ng isang angkop na pagsusulit o exam bilang isa sa mga pangunahing requirements sa aplikasyon ng citizenship.

Ayon sa mga deputees, sa halos lahat ng mga EU countries ay mayroon umanong batas na nagbibigay halaga sa opisyal na wika ng bansa ngunit sa Italya ay hindi ito inoobliga sa pagbibigay ng Italian citizenship kung saan hinihingi lamang ay ang sampung taong tuluy-tuloy na residency (citizenship by residency) o tatlong taon kung citizenship by marriage ang aplikasyon.

Sa katunayan, sa kasalukuyang batas ay hindi kabilang sa mga requirements ang tama o husay sa pagsasalita sa wikang italyano, lalong higit ay walang anumang pagsusulit o eksamen ukol dito.

Dagdag pa ng mga deputees, mahalaga umano ang kaalaman sa wika at ang mapatunayan ito dahil mayroon mga dayuhang naging naturalized Italian na hindi kayang basahin o banggitin ang ‘panunumpa ng katapatan sa Republika ng Italya’.

Bilang pagwawakas, ang panukala sa reporma ng citizenship ng dalawang FI deputees na suriin at baguhin ang kasalukuyang batas upang sumailalim sa pagsusulit ang aplikante bago tuluyang pagkalooban ng italian citizenship.

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

€ 6,000 bonus mula sa EU, para sa bawat masasalba na migrante

Domestic job, excluded sa increase na nilalaman ng Decreto Dignità