in

Italian Language exam, uumpisahan na!

Sa Lunes ang unang schedule ng Italian language exam sa Florence

Uumpisahan na ang mga unang Italian language exam para sa mga mag aaply ng EC long term residence permit o lalong kilala bilang carta di soggiorno, na  walang expiry date at nagbibigay ng mas maraming karapatan.

Mula noong nakaraang  9 Disyembre, ang mga karaniwang requirements (sapat na kita o sahod at hindi bababa sa limang taon ng regular na paninirahan sa Italya), ay nadagdag ang kaalaman sa wikang Italyano. Upang patunayan ito, dapat na ipasa ang isang pagsubok na ipe prenotate on line sa website ng http://testitaliano.interno.it

Kabilang sa mga lalawigan na mabilis na tinanggap ang pagbabago ay ang Florence, kung saan ang unang exam ay naka-schedule para sa susunod na Lunes, sa paaralan ng “Arnolfo di Cambio-Beato Angelico.” Sa pagsusulit ay nakatakda ang pakikinig (comprehension), pagbabasa (reading) at pagsusulat (writing) at  kinakailangan ang 80 tamang sagot out of 100.

Una sa lahat, pinangunahan ito ng Prefecture; ipaparinig ang isang registered conversation ng dalawang tao. Tatanungin ang aplikante ukol sa kanyang napakinggan upang malaman ang antas ng comprehension. Pagkatapos, ang aplikante ay pagbabasahin upang maunawaan ang level ng pang-unawa. Bilang pagtatapos ng exam, kakailanganing sumulat ang aplikante ng maigsing sulat, tulad sa post cards para sa mga kaibigan upang ikwento ang lugar o isang maigsing pangyayari sa lugar na kinaroroonan. Maaari rin itong maging isang email o pagku kumpila ng isang module o form.

Ang resulta ay ilalathala online http://testitaliano.interno.it. Ang mga pasado sa exam ay maaaring mag-aplay para sa EC long term residence permit. Ang mga repeaters ay may iba pang pagkakataon; kailangan mag pa schedule ulit on line ng nasabing exam.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ROMA: 120,00 PERMIT TO STAY

Impormasyon sa iPhone o kahit na anong smart phones??