Kahapon ay inaprubahan ng Senado ang Decreto Salvini, kasama ang 81 susog o ang tinatawag na ‘maxiemendamento’.
Kabilang dito ay ang susog 14.7 na nagdagdag sa batas ng citizenship ng artikulo 9.1 kung saan nasasaad ang obligasyon ng pagkakaroon ng angkop na kaalaman sa wikang italyano katumbas ng antas B1 ng Quadro Comune Europeo di Riferimento per Le Lingue o QCER sa pag-aaplay ng italian citizenship by marriage at by residency.
Art. 9.1 legge 5 febbraio 1992, n. 91
-
La concessione della cittadinanza italiana ai sensi degli articoli 5 e 9 è subordinata al possesso, da parte dell’interessato, di un’adeguata conoscenza della lingua italiana, non inferiore al livello B1 del Quadro Comune Europeo di Riferimento per Le Lingue o QCER.
Samakatwid, ang pagbibigay ng italian citizenship batay sa mga artikulo 5 at 9 ay dipende rin, bukod pa sa ibang mga requirements nito, sa pagkakaroon ng aplikante ng angkop na kaalaman sa wikang italyano na hindi bababa sa antas B1 ng Quadro Comune Europeo di Riferimento per Le Lingue o QCER.
Ang aplikante, na hindi pumirma sa integration agreement’o accordo di integrazione o walang EC long term residence permit (ang dating carta di soggiorno) ay kinakailangan, sa pagsususmite ng aplikasyon, ay mapatunayan din ang kaalaman sa wikang italyano sa pagsusumite ng sertipiko o diploma mula sa pribado o publikong paaralan na kinikilala ng Ministero degli Affari Esteri (MAECI) o ng Ministero dell’Istruzione (MIUR).
Gayunpaman, ang mga pumirma ng integration agreement at mayroong EC long term residence permit ay exempted o hindi kasali sa magsusumite ng patunay dahil ang dalawang nabanggit ay nangangailangan nang patunayan ang kaalaman sa italian language sa pamamagitan ng pagsusulit.
PGA