in

Italian language obligado sa mga negosyante, stop mula sa Antitrust

Isinulong ng administrasyon ng Lega Nord sa Mondovi ang requirements ng kaalaman sa italian language, sa pamamagitan ng pagsusulit sa Comune. “Hindi makatwiran, isang hadlang”, ayon sa Antitrust Authority.

 

Nobyembre 18, 2016 – Kung walang kaalaman sa wika ay hindi maaaring magbukas ng negosyo: bar, bakery kahit ang pagtitinda ng sandwiches at beer. Ito ang mga pangyayari sa Mondovi, sa lalawigan ng Cuneo, na mula pa noong 2012, sanhi ng isang pagbabagong hatid ng administrasyon na pinangungunahan ng alkalde na si Stefano Viglione ng Lega Nord, sa Urbana Police Regulation ay lumitaw ang “obligatory requirement sa pagsisimula ng negosyo ng mga dayuhan”. 

Partikular, alinsunod sa Artikulo 66 ter, “ang mga mamamayan ng iba’t ibang nasyonalidad ay dapat siguraduhin ang pagsunod sa obligatory requirement ng kaalaman sa wikang italyano, sa pagsisimula ng negosyo sa pagkain at inumin, pagbebenta ng mga groceries at pagbebenta ng mga ito sa publiko”. Isang multa hanggang 450 euros at suspensyon sa sinumang hindi susunod. 

Ang mga imigrante na naghahangad na maging negosyante ay dapat umanong magpakita ng diploma sa Italya o ibang sertipikasyon ukol sa pagpasok sa kurso ng Italian language. Sa kawalan nito, isang pagsusulit sa Comune upang patunayan ang: a) basic knowledge sa italian language b) kakayahang magbasa at umunawa ng teksto sa wikang italyano k) kakayahan at kaalaman sa  wikang italyano, pinaiiral na panuntunan sa kalinisan at kalusugan, ukol sa pagpapatakbo ng public business, pagbebenta ng tingi ng mga delicatessen na hindi at mga handmade products”.

Humantong ang bagong regulasyon sa Antitrust Authority o Autorità Garante della Concorrenza e del Mercato (AGCM) at ito ay tinanggihan. Sa katunayan ay nagpadala ng liham kay pangulong Giovanni Pitruzzella, na naglalaman ng mga “competitive critics na maaaring makaapekto sa pagpapatupad ng mga hindi makatwirang hadlang sa kalayaan sa pagbubukas ng mga negosyo, hindi patas sa proteksyon ng nakakarami”. Sa madaling salita, ay magiging sanhi umano ng komplikasyon sa pamumuhay ng mga negosyanteng dayuhan at samakatwid ay mas mababang kompetisyon rin na isang pinsala sa mga mamimili. 

Ipinaalala rin ng Antitrust Authority ang pambansang batas, pati na rin ang regional law ng Piedmont, na nagtatakda ng mga requirement sa pagiging negosyante: kailangan ang isang vocational course o ang pagkakaroon ng isang diploma o isang degree na nauugnay sa negosyo na nais buksan o ang pagta-trabaho sa nakaraan sa isang katulad na negosyo. 

Inaprubahan na rin ng Constitutional Court ang requirement ng italian language na nasasaad sa batas sa Lombardy ukol sa  pagbebenta ng mga produkto tulad ng pagkain at inumin, bilang isang alternatibo lamang sa ibang requirement at hindi pangunahing requirement. 

Sa Mondovi (Cuneo) ay muling titingnan ang Urban Police Regulation, at tatanggalin ang obligasyon sa wikang italyano. Ang administrasyon ay mayroong 45 araw para “ipagbigay alam ang aksyon na gagawin upang maibalik ang tamang competitive dynamics”. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Marcos, Inilibing na sa LNMB

Unang Simbang Gabi, gaganapin sa Vatican