in

Italian language test para sa carta di soggiorno, kailangang i-rebisa

Ang kahilingan sa Gobyerno ng Emilia Romagna Region. " Isali ang mga guro at bigyan ng karagdagang pondo ang mga libreng kurso"

Roma – Pebrero 28, 2013 – Ang Italian language test para sa mga nais magkaroon ng EC long term residence permit o carta di soggiorno ay kailangang i-rebisa, at isama ang mga guro na nagtuturo ng italian language sa mga imigrante. Kailangan ding maglaan ng higit na pondo para sa mga libreng kurso.

Ito ang nilalaman ng isang resolution na inaprubahan kahapon ng majority (PD,FdS, at Sel-Verdi, salungat naman ang Pdl at Lega Nord) ng Regional council ng Emilia Romagna. Ang resolution ay nagtutulak sa Regional Council upang humingi sa pamahalaan, sa pamamagitan ng isang Conference , ng "isang rebisyon ng batas kung saan nasasaad ang kaalaman ng wikang italyano sa pamamagitan ng ‘test’, bukod sa pagiging requirement nito upang magkaroon ng carta di soggiorno na balido ng limang taon”.

Ang pamahalaan ay dapat din magsumikap "upang matiyak na ang lahat ng social workers, mula sa mga institusyon ng edukasyon, mga guro sa Centri territotiali permanenti o school for adults kung saan ginagawa ang mga test, ay isali sa rebisyon ng mga pamamaraan”. Isa pang kahilingan ay ang maibalik at palawakin ang mga mapagkukunan ng pondo na tinanggal sa mga CTP, na nagbibigay ng mga free courses sa mga imigrante.

Si Giuseppe Pagani (PD), ang unang lumagda sa resolution, ay ipinaliwanag ang kahalagahan ng isyu, at nananawagan para sa mga angkop na tugon ng pamahalaan. Si Manes Bernardini (Lega Nord) ay sinabi, sa halip, na maraming dahilan kung bakit salungat sa resolusyon, “dahil ang integrasyon ay nakikita sa maraming aspeto at hindi lamang sa kaalaman sa wikang italyano tulad ng ipinararating sanasabing teksto”

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

FLUXUS PHOTOGRAPHY

Pinoy holdaper, arestado makalipas ang anim na buwan