Si Oropeza sa Schengen Committee: “Ang 600,000 anak ng mga imigrante na ipinanganak sa Italya ay isang puhunan para sa kinabukasan.” Siyam na libo ang assisted repatriation sa loob ng sampung taon” Boniver: “Masyadong kakaunti”
Roma – Mayo 15, 2012 – Dapat tutukan ng Italya ang mga anak ng mga imigrante at gawin ang lahat para sa integrasyon”. Ito ang naging panawagang inilunsad ni Jose Oropeza, ang head ng mission ng OIM (Organizzazione Internazionale per le migrazioni) sa isang audition ng Schengen Committee.
“Sa kasalukuyan, higit sa 600,000 ang mga anak ng mga imigrante na ipinanganak sa Italya,” ayon kay Oropeza. “Tutukan ang mahalagang papel ng mga kabataan sa lipunan ng Italya at tiyak na kumakatawan bilang isang mahalagang puhunan para sa hinaharap.”
Ang head ng misyon ng OIM ay naniniwala din na matapos ang pagsasang-tabi ng politika sa mga nagdaang taon, ay kailangang simulang muli ang pag-usapan ang integrasyon. “isang integrasyon – ayon pa dito – na hindi nangangahulugan ng maging katulad ngunit bumuo ng panibangong mosaic culture. Isang dynamic process kung saan mayroong partesipasyon ang mga residenteng imigrante.
Sa audition, ay tinukoy ni Oropeza na sa nakaraang sampung taon, ay mayroong 9,000 mga imigrante ang bumalik sa kanilang bansa sa pamamagitan ng mga programa ng assited repatriation ng Oim: “Maliit na numero” ayon sa president ng Schengen Committee na si Margherita Boniver, bakit hindi magalang maka take-off ng napakahalagang instrument na ito, sa kakulangan ba ng kaalaman o dahil sa mahirap na procedures”.