in

“Italyano ang sinumang ipinanganak at lumaki sa Italya” programa ng centre-left coalition

Ayon sa Carta di intentina pinirmahan ng​​ PD, Selat Psi, ang repormaay"ang unang aksyong gagawin ng susunod na lehislatura”. Sa Primaries ay kabilang ang mga imigrante.

Roma, Oktubre 31, 2012 – Pinag-uusapan din ang madaliang pagkilos para sa reporma ng pagkamamamayan para sa ikalawang henerasyon sa "Carta di intenti per l’Italia Bene Comune” na inilahad nitong kalahatian ng Oktubre ng mga head ng PD, Sinistra Ecologia e Libertà at del Partito Socialista Italiano.

"Hindi pababayaan sa kabila ng matagal ng panahong paghihintay ang mas magaang na batas para sapagkamamamayansa Italya: isang kabataan, anak ng imigrante, ipinanganak at lumaki sa Italya ay isang mamamayang Italyano. Ang aprubasyon sa pamantayang ito ay makabuluhan bilang unang hakbang na aming gagawin sa susunod na legislatura”, tulad ng mabababsa sa dokumentasyon, isang platform na maaaring maging base ng mga programa ng center-left coalition, kung sakaling mananalo sa susunod na halalan. 

Ang mga imigranteng residente sa Italya ay kabilang sa pagpili ng magiging kandidato bilang Prime Minister ng center-left coalition. Sa Nov. 25, magsisimula ang unang turno at sa Dec 2 naman ang second run-off.

Ang mgaprinsipyo sa regulasyonay nasasaad na ang “ang partesipasyon sa primaries ay bukas sa lahat, na nagtataglay ng mga requirements tulad ng nasasaad sa batas, sa mga imigrante na mayroong carta d’identità at permit to stay, na kinikilala ang sariling kabilang sa Carta d’intenti, magbabayad ng 2 euros at mangangakong susuportahan ang center-left coalition sa nalalapit na eleksyon sa 2013, pipirmahan ang abiso sa publiko ng paglahok gayun din sa listahan ng mga electors.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization, bigo….

Karapatang bumoto – Inaprubahan ng Italya, kabilang ang PDL, sa Strasbourg