“Ang lumalaking integration sa Europea ay isang prosesong patuloy na pinagyayaman
Ito ang mga pangungusap ng House Speaker Gianfranco Fini, sa paglalabas sa Montecitorio ng Report “EuroMed Intercultural Trends 2010” ng Anna Lindh Foundation, kasama ang Foreign Minister Franco Frattini, ang chairman ng Anti-Mafia Committee Beppe Pisanu at ang responsable sa Foreign Affairs ng Democratic Party Piero Fassino .
“Kailangan naming tutukan- dagdag pa niya – sa isang kampanya na dapat lampasan ang mga ‘hatol’ sa mga immigrant sa lumalaganap at lumalaking populismo sa Europa, na nagbibigay daan sa paglikha ng pulitika ng takot.”
Partikular na sinabi ni Fini, ang konteksto ng pagbibigay diin sa mga potensyal ng report ng‘ Europa-Mediterranean’ na kinakailangang pag isipang mabuti ng mga Italyano sa ika 150 taon mula Unità’, ang isang konsepto ng isang bansa ng XXI century, hindi na isang lupain ng mga anak mula sa iisang magulang na napapaloob sa isang bayan na may hangganan, bagkus ay magkakasama sa ilalim ng iisang ‘dynamic’, nakikita ko ito tulad ng isang katawan ng tao, mula sa iba’t ibang pinagmulan na gumaganap ng pinagkasunduang role sa bawat araw, sa quotation ni Renan at ng isang “misyon” ng paglago ng sibilisasyon.
“Ang prioridad ay ang kultura – pagpapatuloy pa nya – dapat ang gabay sa daang ito na kung saan ang ambisyosong layunin ay ang paglikha ng bukal na pagbibigay at pagtanggap ng may 750milyong mga tao at 24% Pil ng mundo. Priority ang kultura na dapat ay tanggapin ang mga pagkakaiba na may kaugnayan sa relihiyon. ”
Sinabi pa ni Fini ’ang paglalabas ng katotohanan sa kanilang report ay nag papa alala sa amin kung paano tatanggapin ang paniniwala ng iba’t ibang relihiyon na isa sa mga paksang pinaka pinagtatalunan at pinaka mahirap sa pagitan ng dalawang dulo ng Mediterranean. Ang pagkilala sa mga isyu na ito ay nagtutulak sa pangangailangang itaguyod ang edukasyon ng paggalang sa lahat ng paniniwala sa bawat pananampalataya . Ang ‘faith’ o paniniwala ay binigyang diin bilang ikatlong posisyon sa Estado -. sa kabila ng maraming kahulugan ng ‘kumpisal’, dapat na lumitaw bilang isang dahilan sa pagpapayaman ng karunungan at pakikipag-ugnayan sa mga tao’.