Inilathala noong Jan 16 sa Official Gazette ang Decreto Flussi 2018. Narito ang mga araw ng pagpapatupad nito.
Sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior https//:nullaostalavoro.dlci.interno.it ay sinimulan noong Jan 18 mula alas 9:00 ang pagsagot o pag-fill up sa mga application forms ng non-seasonal at self-employment job. Ang mga ito ay maipapadala online mula alas 9:00 ng umaga ng Jan 23, 2018.
Bukod dito, ay available rin ang mga application forms ng seasonal job mula alas 9:00 ng umaga ng Jan 24, 2018. At ang pagpapadala ng mga ito, sa parehong website, ay magsisimula ng alas 9:00 ng Jan 31, 2018.
Ang mga aplikasyon na nabanggit ay availabe at maaaring isumite hanggang Dec 31, 2018.
Ito ay maaaring gawin gamit ang sariling pc o sa tulong ng authorized office o patronato.
Narito ang mga forms na maaaring gamitin ayon sa pangangailangan:
- Modelli A at B para sa mga workers na residente sa Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil na Italian origins.
- Modello VA para sa conversion mula permessi di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa permesso di lavoro subordinato;
- Modello VB para sa conversion mula permessi di soggiorno per lavoro stagionale sa lavoro subordinato;
- Modello Z para sa conversion mula permessi di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa lavoro autonomo;
- Modello LS para sa conversion mula EC long term residence permit na inisyu sa ibang EU country sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato;
- Modello LS2 para sa conversion mula EC long term residence permit na inisyu sa ibang EU country sa lavoro autonomo;
- Modello LS1 para sa aplikasyon ng Nulla Osta per lavoro domestico para sa mga dayuhang mayroong EC long term residence permit;
- Modello BPS para sa aplikasyon ng Nulla Osta sa hiring na nakalaan sa mga special projects
- Modello C para sa aplikasyon ng Nulla Osta al lavoro stagionale.
Paalala: kahit ngayong taon, ang mga bilang na nabanggit ay nakalaan lamang sa mga piling kategorya at hindi kabilang ang regularization ng mga undocumented sa Italya.