in

Ius soli, ipinagpaliban!

“Nananatili ang aking pangakong aprubahan ang ius soli sa autumn dahil ito ay tumutukoy sa isang makatarungang batas”.

 

Roma – Hulyo 17, 2017 – Inanunsyo kahapon ni Prime Minister Paolo Gentiloni ang opinyon ng kasalukuyang gobyerno na ipagpaliban at hindi muna magpatuloy sa pag-aapruba ng “ius soli” sa Parliament. Ang aprubasyon sa nasabing panukala ay magpapahintulot sa pagkakaroon ng citizenship ng mga dayuhang ipinanganak sa Italya kung kahit isa lamang sa mga magulang ang regular na naninirahan sa bansa ng higit sa limang taon. 

Aking isinaalang-alang ang mga urgent deadlines na hindi maaaring ipagpaliban sa agenda ng Senado pati na rin ang pagkakaroon ng hindi pagkakasunduan sa loob ng majority, para sa akin ay walang sapat na kundisyon upang aprubahan ang panukala ukol sa citizenship ng mga batang ipinanganak sa Italya  bago ang summer vacation. Gayunpaman, nananatili ang aking pangakong aprubahan ito sa autumn dahil ito ay tumutukoy sa isang makatarungang batas”. 

Tinutukoy ni Gentiloni ang pangunahing alyado nito sa pangunguna ni Angelino Alfano. Ang kawalan ng boto mula sa Alternativa Popolare ay magpapahirap sa kakailanganing sapat na bilang ng boto sa Senado. 

Ang inihayag na desisyon ayon pa kay Gentiloni ay batay umano sa ginawang kasunduan nila ni Democratic Party Secretary Matteo Renzi. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kontribusyon ng permit to stay, para rin sa mga handa na for releasing

Mga anak na menor de edad, magbabayad din ba ng 30.46 euros para sa printing ng permit to stay?