in

Ius soli sports, aprubado!

Lahat ng bata ay pantay-pantay sa larangan ng sports. Ganap ng tinanggal ang hadlang sa membership at ang lahat ng kabataan ay may karapatan ng lumahok sa mga kumpetisyon.

 

Roma, Enero 15, 2016 – Ito ay tinatawag na “ius soli sports” at hindi ito ang reporma ng citizenship na hinihintay ng isang milyong anak ng mga imigrante. Hindi maitatangging isa itong maliit na hakbang para ituring na “ang lahat ng mga bata ay pare-pareho at pantay-pantay” na nagsisimula sa football court at sa athletics track.

Ganap na inaprubahan kahapon sa Senado sa pamamagitan ng boto ng mga political parties, maliban sa Lega Nord ang “Panukala sa pagtataguyod sa social integration ng mga batang dayuhang residente sa Italya sa pamamagitan ng pagpasok sa mga sports club na kabilang sa mga National Sports Federation o anumang institusyon na nagsusulong sa sports”. Ito ay isang batas na nagtatanggal ng diskriminasyon sa mga batang atleta na para sa kasalukuyang batas ay hindi mga Italian citizens kahit pa lumaki sa bansang Italya.

Hanggang sa kasalukuyan, karamihan ng mga kabataan ay hindi maaaring lumahok sa mga kompetisyon dahil ang regulasyon sa membership ng maraming pederasyon ay nangangailangan ng Italian citizenship. Ang limitasyong ito, bukod sa nagtanggal ng karapatan sa propesyon ng mga kabataang mahuhusay, ay higit na nawawalan ang Italya sa larangan ng sport, at higit sa lahat ay isang malaking hadlang upang ang sport ay maging instrumento ng intagrasyon.

Ang batas na inaprubahan ay nagbabago sa regulasyon, sa isang artikulo lamang. Ayon dito, “ang mga mas bata sa 18 anyos na hindi italian citizen ngunit regular na residente sa bansa mula ika-sampung taong gulang nito ay maaaring maging miyembro o tesserati sa mga sports association na kabilang sa National federation o sa anumang institusyon na nagsusulong sa sport, sa parehong pamamaraan tulad ng mga italian member”.

Sakop din ng inaprubahang batas ang mga kabataang sumapit sa ika-18 edad at nag-aplay para sa italian citizenship. “Ang pagiging miyembro – tulad ng mababasa sa teksto nito – ay nananatiling balido, makalipas ang ika-18 taong gulang hanggang sa tuluyang magtapos ang proseso ng pagkakaroon ng Italian citizenship, para sa mga kabataang na, ayon sa batas noong Pebrero 5, 1992, numero 91, ay nagsumite ng nasabing aplikasyon”.

Ang bagong batas ay isinulong ni Josefa Idem, PD senator at dating multiple Olympic champion. “Ito ay simpleng pagtugon sa dalawang bagay – paliwanag pa nito – ang aprubahan ang batas na ito at pagpapakilala sa ‘ius soli sports’, kung saan ang batas ay gumawa ng isang kongkretong hakbang sa pag-aangkop ng sistema nito sa demokratiko at inklusibong prinsipyo”.

Tulad ng inaasahan ay taliwas ang naging boto ng lega Nord (nagmamalaking hindi ayon kay Gian Marco Centinaio) at sinabing ito ay unang hakbang para sa reporma ng citizenship na kinasusuklaman ng partido ni Salvini na nagsulong ng isang susog at hindi inaprubahan sa Senado kung saan nasasaad ang maximum ng 30% na bilang ng mga kabataang dayuhan na magiging miyembro ng bawat sports association.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Consular fees sa mga Italian Embassy, tumaas

Pre-enrollment para sa school year 2016-2017, simula na