in

Ius soli tila walang mararating sa kasalukuyang lehislatura

Walang kasunduan sa loob ng Commission para sa isang unified document. Bertolini (PDL): "Tutol kami sa ius soli." Amici (PD): "Ang ikalawang henerasyon ay pawang mga Italyano, prinsipyong walang diskusyon”.

Roma – Nob 12, 2012 – Matapos mabasa ang premise, ay walang duda sa resulta nito. Nakumpirma na ang reporma sa batas sa pagkamamamayan, kahit pa moderate para sa ikalawang henerasyon ay walang mararating sa lehislaturang kasalukuyan.

Noong nakaraang Hunyo ay nagkaroon ng bahagyang pag-asa, noong ang Montecitorio, sa Commission for Constitutional Affairs ay sinimulan ang pagsusuri sa ilang proposta di legge o bill para lamang sa second generation. Ngunit habang tumatagal ang diskusyon, ay lalong limilinaw na magkalihaway ang direksyon ng mga partido para sa karapatan ng mga anak ng mga imigrante.

Ang PD at ang Terzo Polo ay nais na ipatupad ang prinsipyo ng ius soli temperato: Italian ang sinumang ipinanganak o dumating sa bansa noong bata pa, o matapos ang isang school period na maaaring elementary, high school (first at second degree) o university. Ngunit ito ay hindi nagwagi sa objection ng centre-right, ang PdL na handang magbigay lamang ng ilang simplipikasyon sa kasalukuyang procedures at ang Lega naman ay tutol sa anumang pagbabago ng batas.  

Ito ang mga naging posisyon, sa unang tingin ay tunay na incompatibile hanggang sa matapos ang diskusyon sa commission noong katapusan ng Hulyo. Ngunit itinalaga sina Isabella Bertolini (Pdl) e Sesa Amici (Pd) upang subukan ang pagkakaroon ng “mediation” para sa isang unified document. Sinubukan, ngunit ito ay hindi nagtagumpay.

Huwebes ng hapon, ang reporma ay muling bumalik sa agenda ng Commission, at sinabi ni Bertolini: "Sa kasalukuyan, ay walang mga kundisyon sa pagkakaroon ng unified document. Malinaw ang kawalan ng kasunduan kung saan ibabatay ang mga panukala: ang pagbibigay o hindi sa batas ng Italya ng prinsipyo ng ius soli sa pagbibigay ng citizneship”.

Sinasabi ni Sesa Amici sa Stranieriinitalia.it: "Sa kasamaang palad, kung ang Pdl ay hindi magbubukas sa ius soli, kahit moderate ay wala kaming makitang pagkakaton para talakayin ito. Para sa amin ay walang diskusyon sa sinumang ipinanganak sa Italya o dumating sa bansa noong bata pa. Samantala ang nasa kabilang panig ay nasa ideya ng citizenship bilang isang konsesyon, at hindi isang karapatan kahit maging sa ikalawang henerasyon”.

Ano na ang mangyayari sa ngayon? "Sa susunod na Martes – ayon sa representative ng Democratic Party – ang tanggapan ay gagamit ng isang basic document, maaaring ang proposta Bressa, at mula dito ay gagawa ng mga proposals at mga amendments. Ngunit malinaw na kung ang mga partido ay hindi magbabago ng pananaw ay walang ring kasunduan upang maging ganap na batas ang reporma ukol batas ng pagkamamamayan. "

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Mahalagang baguhin ang Bossi-Fini law” – Renzi

Aga, patuloy ang apela