Kakailangan ang 50,000 lagda upang mailahad sa Parlamento, Granata: “Laban ng sibilisasyon para sa maraming kabataang Italyano”
Rome – Ius soli temperato. Kung ito ay isasalin, nangangahulugang: sa sinumang ipinanganak o lumaki sa Italya ay Italyano, ngunit sa ilalim lamang ng ilang mga kundisyon.
Ito ay ang prinsipyo sa likod ng mga panukalang batas sa pamamagitan ng inisyatiba ng sambayan (proposta di legge popolare) na iniharap ng Futuro e Libertà per l’Italia. Ang deputy na si Fabio Granata ay inilahad ito noong nakaraang linggo sa Hukuman ng kasasyon (Corte di Cassazione) at sa lalong madaling panahon ay magsisimulang mangolekta ng mga pirma na kakailangan upang dalhin ito sa Parlamento.
Ang teksto ay para sa ikalawang (o ikatlong) henerasyon. Ang unang artikulo ay nagbibigay ng citizenship sa mga ipinanganak sa Italya kung ito ay may isang magulang na namamalagi ng regular sa Italya ng limang taon o higit pa, o ipinanganak sa Italya at namamalagi dito ng regular na hindi bababa sa isang taon.
Ang mga magulang ang hihiling o magre-request upang maging Italyano ang kanilang anak sa araw ng pag-rerehistro ng kanyang kapanganakan, isang option na obligadong sagutin sa deklarasyon ng kapanganakan. Kung ang magulang ay hindi sang-ayon, ang anak ay maaari pa ring maging Italyano, kung hihilingin lamang sa loob ng dalawang taon matapos sumapit ang edad na 18.
Kakaiba ang proseso sa mga ipinanganak sa ibang bansa at pagkatapos ay dumating sa Italya. Ang mga kabataan ay maaaring magkaroon ng Italian citizen kapag nakatapos sila sa Italya ng isang antas ng pag-aaral (hal. elementary school) o ng isang vocational. Kakailanganin pa rin dito ang request ng magulang, pwera na lang kung magkakaroon ng sapat na edad (18) ang kabataan habang nag-aaral ito.
“Maraming mga ipinanganak sa Italya na ang mga magulang ay migrante at residente sa ating bansa, minamahal at iginagalang ang Italya tila kanilang inang-bayan,” ayon kay Fabio Granata. “Ito ay isang laban ng sibilisasyon, kaagapay ang ‘Futuro e Libertà per l’Italia’ at hayaan natin na ang mga kabataang Italyano ay lumahok sa mga kaganapan ng ating bansa”.