in

Jan 10, deadline ng bayaran ng kontribusyon ng mga colf

Ang unang petsa ng pagbabayad ng kontribusyon para sa taong 2017 ng mga colf, babysitters at caregivers ay hanggang Jan 10, 2017.

 

 

Roma, Enero 7, 2017 – Ang mga employer ng colf, caregiver o babysitter ay may panahon hanggang Jan 10 upang bayaran ang kontribusyon ng social security para sa mga buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre 2016. Ang halagang dapat bayaran ng worker ay babayaran muna ng employer na maaaring kaltasin na lamang sa sahod ng mga ito.

Maraming paraan upang ito ay mabayaran. Maaaring sa pamamagitan ng internet, sa www.inps.it; sa pamamagitan ng telepono sa pagtawag sa call center sa numero 803 164 at gamit ang credit card; o sa pamamagitan ng bollettino MAV na ipinadadala ng Inps sa employer o ito ay maaaring gawin din sa pamamagitan ng website; sa mga tobacco shops, mga bangko at post offices na Reti Amiche circuit.

Ang halaga ay nag-iiba batay sa suweldo, ngunit ang mga trabahong higit sa 24 oras bawat linggo ay mayroong flat amount. Bukod dito, para sa mga ‘determinato’ ang kontrata (maliban na lamang kung naka leave dahil sa pagkakasakit o pagbubuntis) ang halaga ng kontribusyon ay mas mataas.

Sa unang pagbabayad sa taong 2017 na nakalaan para sa huling tatlong buwan ng nakalipas na taon ay gagamitin ang halagang balido para sa taong 2016.

Paalala: Bukod sa kontribusyon sa Inps, ang employer ay kailangan ring bayaran ang Contributo di assistenza contrattuale (Code F2) para sa Cassa Colf. Ang halaga para sa taong 2016, maging determinato o indeterminato man ang kontrata, ilang oras man ang trabaho o anuman ang halaga ng sahod ay 0,03 (ang 0,01 ay ang bahagi ng worker) kada oras.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

26 anyos na Pinoy, nasagip sa pagpapakamatay ng awtoridad

Registration, simula na para sa online enrollment