Higit na dalawang linggo upang magsumite ng mga aplikasyon sa mga Italian Embassy sa sariling bansa. Entry visa sa katapusan ng Agosto, sa Septiyembre naman ang mga entrance exam.
Rome – Hulyo 20, 2013 – Ang mga kabataang naninirahan sa ibang bansa o labas ng bansang Italya na nais magpatuloy ng pag-aaral sa unibersidad, academy o conservatory sa Italya ay mayroong higit na dalawang linggo upang pag-isipan mabuti ang kanilang desisyon.
Anumang kurso ang napili sa isang unibersidad o isang institusyon ng higher artistic, musical and choreographic education, ng mga aspiring freshmen ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa mga Italian Embassy or Consulates hanggang July 5 (instruction at form ay matatagpuan dito). Ang Ministry of University sa katunayan ay inatras ang petsa ng deadline o hinabaan ang panahon ng pagsusumite ng mga aplikasyon kamakailan na dapat sana ay hanggang sa susunod na Biyernes na lamang.
Sa bawat kurso ay mayroong nakatakdang bilang para sa mga mag-aaral na dayuhan na residente sa labas ng Italya. Salamat sa isang database na inilathala online ay maaaring matagpuan ang mga bilang na itinalaga ng bawat unibersidad, academy o conservatory, upang ipahayag maging anumang ‘kumpetisyon’ sa bilang ng mga pumipiling mag-aaral.
Isang higit na responsabilidad ang nakalaan sa sinumang pumili ng mga quota course tulad ng medicine, surgery , dentistry, veterinary or architecture. Sa katunayan, simula June 25, ganap na alas 3 ng hapon hanggang July 18 ay maaaring mag log on sa www.universitaly.it upang kumpermahin ang pagpapatala para sa entrance exam, upang i-update ang ilang impormasyon o upang magpatala sa unang pagkakataon.
Matapos isumite ang aplikasyon, ay kailangang hintayin mula sa mga Embahada at Konsulado, hanggang sa katapusan ng Agosto ang pabibigay ng entry visa na kinakailangan sa pagpasok ng bansa para sa Italian language test sa Sept 2, ang exam naman para sa mga quota course: Sept 3 para sa mga veterinary medicine, Sept 4 para sa mga health professions, Sept 9 para sa medicine, surgery at dentistry, Sept 10 naman ang para sa architecture.
Ang mga exams na nabanggit ay ang huling pagsubok na dapat malampasan upang makapag-enroll sa unibersidad, academy o conservatory at magkaroon ng permit to stay sa Italya para sa pag-aaral.