in

Kabataang dayuhang manggagawa, mas nagta-trabaho ngunit mas mababa ang sahod

Ang pag-aaral ng Leone Moressa Foundation sa mga kabatang dayuhan sa pagitan ng edad na 15 hanggang 30 taon

altRoma, Pebrero 8, 2012 – Kumpara sa kabataang Italyano, ang mga dayuhang kabataan na namumuhay sa Italya ay higit pa na masaktibo sa merkado, mas kaunti ang mga walang hanapbuhay, mas mayroong kontratang matatag sa trabaho , mas nakakahanap ng trabahong malapit sa bahay, ngunit may suweldonghigit na mababa.

 

Ang identikit ng mga kabataang dayuhang manggagawa sabagong pag-aaral ay inihayag ng Leone Moressa Foundation.

Ayon sa pag-aaral sa Italya, tinatayang  455 libo ang mga kabataang dayuhan ang mayroong trabaho: 14.2% ng kabuuang bilang ng mga mayroong trabaho na may edad na 15 hanggang 30 taon. Ang walang hanapbuhay ay halos 100 libo, at kumakatawan sa 11, 8% ng kabuuang bilang ng mga walang hanapbuhay sa nabangiit na edad.

Ang mga kabataang dayuhang manggagawa ay nagmula unang-una mula sa Silangang Europa: 31% mula sa Romania, 16.6% Albania at 3.5% mula sa Moldova. Ang 6.1% sahalip ay mga Moroccans, 3.3% ay mga Filipino at 3.1% lamang ang mula sa China.
Ang pag-aaral ay nagpapakita na ang mga dayuhan, bukod sa mga mas aktibo sa merkado, ay nagpapakita ng mataas na antas ngtrabaho higit kaysa sa mga kasing edad na Italyano at mas mababangrate ng mga walang trabaho (17.2% kumpara sa 20.4%). Ang mga kabataang dayuhan na walang hanapbuhay ay may posibilidad na makahanap na mas mabilis kaysa sa mga Italians, mula sa panahon ngpagkawala ng trabaho ay maaaring lumampas lamang ang halos isang taon.

Kumpara sa ang Italians – ayon sa pag-aaral  – ang mga imigrante ay nagpapakita ng pag-aaral na karaniwang lower middle level at nakakakuha ng mababang antas ng trabaho, at tumatangap ng mababang pay: 939 € net bawat buwan, mas mababa ng 70 kaysa sa mga kabataang Italyano, at ang mga iskedyul ng trabaho ay halos angpinaka-disadvantaged.Bagaman karamihan sa kanila ay hindi lumampas sa High School graduate, nangangahulugang  halos 36% ay may degree na mas mataaskaysa sa pangunahing kinakailangan ng merkado.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Weekend, snowfalls ulit maging sa Lazio

ENTABLADO the MUSICAL is for all of you……