Ang gastusin para sa mga colf ay isa sa mga item na nais suriin ng Internal Revenue (Agenzie dell’Entrate) upang puksain ang mga tax evader. Ang layunin ay upang malaman kung ang mga pamantayan ng pamumuhay ng taxpayer ay pareho ng kanilang tax return.
Rome – 2 Peb 2012 – Ang mga colf tulad ng private school ng mga anak o ng subscription sa gym. Isang spy sa maaayos na pamumuhay, ay isa lamang sa daan-daang kasama sa bagong Redditometro upang makatulong sa Internal Revenue Service na masubaybayan ang mga tax evaders.
Ang instrumentong ito ay magpapahintulot na ihambing ang konsumo at deklarasyon ng kinita, na pagbabasihan sa anumang kaukulang kontrol sa kaso ng hindi pagkakatugma ng mga ito. Naghayag ng isang deklarasyon bilang isang mahirap na mamamayan ngunit nagmamay-ari ng luxury car? Nag deklara na walang sapat na halaga upang mabuhay ngunit nakakabili ng mga mamahaling bagay? Ang mga Tax Inspectors ay magtatanong kung paano nangyayari ang mga ito.
Ang mga pagbabagong ito ay inulat ng nauna dalawang araw na ang nakalipas ni Attilio Befera, director ng Internal Revenue sa isang audition sa Finance Commission ng House of Deputies. Ang mga eksperto nito ay tinatapos ang lahat ng mga items ng Redditometro, upang umabot sa isang resulta na magbibigay ng tunay na account sa araw araw na gastusin ng mga taxpayers, pati na rin ang pamumuhunan sa capital market at real estate.
Para sa Ahensya, ay mainam na malaman kung nakatira sa isang kubo o sa isang mansyon tila prinsipe, ngunit kung ang hanapbuhay ay nagkukumpuni lamang, ano ang natatago sa likod ng mga ito. Sa ganitong paraan nais na maunawaan kung ang taxpayer ay mayroon bang colf at dapat gamitan ng magnifying glass sa pagtatago ang mga kasangkapan sa bahay, pati ang mga house bills.
Matatagpuan rin sa redditometro ang gamit sa transportasyon tulad ng kotse, motorsiklo, mini-cars, caravans, bangka at pribadong sasakyang panghimpapawid, kung binili o inuupahan ang mga ito. Ang Tax inspector ay susuriing mabuti rin ang mga life insurance gayun din ang mga bollettini Ipns, at mga gastusin sa pagpapa-aral, mula nursery hanggang Master degree at hindi makakaligtaan pati ang upa sa kwarto ng mga mag-aaral na malayo sa pamilya.
Ang Internal Revenue Service ay hindi kinaligtaan kahit na ang free time. Ang pagbibiyahe at bakasyon, hotel, gym, club at mga subscription sa stadium, maging ang mga hindi gasinong masipag sa panonood ng pay per view. Kabilang din ang ibinayad sa beterinaryo, ang mga donation, suporta sa dating asawa gayun din ang pagbili ng mga antigo at alahas.
Upang malaman kung paano gumagana ang Redditometro, maghintay lamang ng ilang buwan. “Ang experimentation ay matatapos bago matapos ang buwan ng Pebrero – ayon pa kay Befera – at ipatutupad sa Hunyo ng taong kasalukuyan.