Ito ang hatol ng hukom ng Milan, pagkatapos ng “pilot action” ng isang beintisais anyos na binata mula sa Pakistan. “Discriminatory ang public announcement na para sa mga Italians lamang, dapat muling buksan”
Rome – Enero12, 2012 – Kahit si Syed ay dapat ding maging bahagi ng Servizio Civile Nazionale. At tulad nya, ang lahat ng mga kabataan kahit walang Italian citizenship, ay nabibilang “sa isang wastong paraan sa pamayanan.” Kung hindi man nila ramdam na sila ay bahagi ng pamayanan, bakit kailangang italaga nila ang sampung buwan ng kanilang buhay.
Isang magandang balita mula sa hukuman ng Milan na nagpasyang descriminatory ang public competition kung saan pipili ng 10,481 mga boluntaryo para sa mga proyekto ng iba’t ibang civil services sa loob at labas ng Italya, na inilathala noong nakaraang Setyembre 20, 2011
sa pamamagitan ng ‘National Office for Civil Service’. Kabilang sa mga requirements ay ang
Italian citizenship at ito ang naging sanhi ng hindi pagkakatanggap kay Syed S., isang 26 anyos na binata mula sa Pakistan na namumuhay sa bansang Italya mula ng sya ay labing-isang taong gulang pa lamang.
Si Syed ay nagnanais na maging bahagi ng civil service sa Caritas Ambrosiana, ngunit tulad ng isang milyong mga batang imigrante na lumaki dito, para sa batas ay hindi Italyano. Noong nakaraang Oktubre, matapos tanggihan ang kanyang application, ay nag-apila sa hukuman ng Milan kasama ang Associazione Studi Giurudici sull’Immigrazione at Associazione Niente Onlus, sa tulong ng CGIL at CISL.
Isang “pilot action” na, sa linaw ng naging disisyon ay magbubukas ng daan para sa ikalawang henerasyon. Ang hukom na si Carla Bianchini ay naghayag ng pagiging tunay na discriminatory ng public competition at nagpahayag sa National Office of Civil Service sa pamamagitan ng tanggapan ng Presidente ng Konseho ng mga ministro na suspendihin ang seleksyon at baguhin ang nilalaman ng public competition (…), na nagbibigay din ng pagkakataon sa mga dayuhang regular na nainirahan sa Italya at muling magtakda ng panibagong deadline para sa mga application.