Ang tema ng integrasyon bilang senyales ng dating ministro.
Roma, 13 Enero 2012 – Ang “kabuuan ng integrasyon” ng mga imigrante ay hindi maaaring limitahan ng mga “karapatan at mga tungkulin”:, kailangang magtatag ng “bagong konsepto ng pagkamamamayan.”
Ito ang mga binitawang salita ng presidente ng kamara na si Gianfranco Fini sa pagtatapos ng maikiling pagbabablik-tanaw kay Mirko Tremaglia kahapon sa Hall ng Deputies.
Binanggit din ni Fini ang pakikipag-usap sa dating ministro bago ito pumanaw noong Disyembre 30 na nanghihinayang sa kawalan ng panahon upang ipaglaban ang integrasyon ng mga migrante.
“Ang paglisan ni Tremaglia – sabi pa ni Fini – ay hindi dapat magsara sa posibilidad ng pagharap sa laban bilang senyales ng dating ministro.”