in

“Kakaunting aplikasyon? Dahil kakaunti ang mga undocumented” – Cancellieri

Interior Minister: "Binigyan namin ang lahat ng posibilidad na maging regular, ang tema ay hindi kasing lalà tulad ng inaasahan ng lahat”. Ang mataas na halaga at ang procedures na limitado? “Nilawakan namin ang aming pang-unawa”.

Roma -16 Oktubre 2012 – Kakaunti ang mga aplikasyon sa regularization? Umabot lamang, hanggang alas 6 ng hapon kahapon Oct 15 ay 129.814. Samanatala ang mga aplikasyon buhat sa mga Pilipino ay umabot lamang ng 2,686. Hindi ang mataas na halaga o ang mahigpit na procedures nito, kundi mas kakaunti sa inaasahan ang bilang ng mga undocumented.

Para sa marami (kabilang ang Stranieiriinitalai.it at Akoaypilipino.eu) ay tila mali at pangkaraniwan ang excuse na analisis ng minister sa Interior na si Anna Maria Cancellieri, o ng sinumang dapat ay kumilos laban sa irregularities at maglagay ng mga tumpak na instrumento upang ito ay malabanan. 

Ang layunin ng regularization, ayon sa Interior Ministry ay "ang subukang palabasin ang lahat ng sitwasyon sa ilalim ng irregularities, at marahil ay hindi marami, kung hindi ang mga ito ay ating natunghayan – pagpupumilit ng Ministro – ang tema ay hindi kasing lalà tulad ng inaasahan”.

Sa kasalukuyan ay hindi iniisip ang muling pagbubukas ng Sanatoria o Regularization na mayroong ibang parameters: Ito ay ginawa na mayroong malawak na konsiderayon sa lahat ng uri ng sitwasyon, ang mahalaga ay ang patunayan ang pananatili sa bansa sa itinakdang petsa. Iyon ay aming ginawa sa pamamagitan ng opinyon ng Avvocatura dello Stato sa paraang bukas at malinaw”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

EU nanalo ng Nobel Peace Prize

Permesso di soggiorno per motivi familiari, pwede ba sa 18 anyos?