in

Kamara, inaprubahan ang bagong panuntunan sa citizenship ng mga anak ng mga imigrante

Aprubado sa Montecitorio ang Reporma sa Pagkamamayan ng sinumang ipinanganak o lumaki sa Italya. Ang teksto ay iaakyat sa Senado. Narito kung paaano magbabago ang mga panuntunan sa pagiging ganap na italyano.

 

Roma, Oktubre 13, 2015 – Maituturing na ang araw na ito ay isa sa makasaysayang araw para sa mga anak ng mga imigrante sa Italya, ang “ikalawang henerasyon” na hindi makaturungang itinuturing na mga dayuhan. Inaprubahan kaninang umaga ng House of Representatives ang Reporma sa Pagkamamamayan na magpapahintulot maging madali at mabilis ang pagiging ganap na mamamayang Italyano.

Bumoto ng pabor sa reporma ang PD, Area Popolare (Ncd -Udc), Per l’Italia – Centro Democratico, Scelta Civica at Sinistra Ecologia Libertà. Tulad ng inaasahan hindi pabor ang Lega Nord at Forza Italia. Samantala, pinili naman ng Movimento 5 Stelle ang mag-abstained.

Ang teksto, na pinagsama ang prinsipyo ng ius soli at ius culturae, ay iaakyat sa Senado at matapos lamang maaprubahan ng Senado ng walang anumang pagbabago ay magiging ganap na batas. Narito ang mga pangunahing puntos.

Ang mga batang ipinanganak sa Italya ay magiging ganap na Italyano by birth kung isa sa mga magulang ay mayroong EC long term residence permit o ang dating carta di soggiorno – para sa mga non-EU nationals at ang mayroon ng permanent residency right – para sa mga EU nationals. Kung hindi, tulad ng mga batang hindi ipinanganak sa Italya, ngunit dumating sa bansa bago ang 12 taong gulang, ay kailangan munang pumasok sa isa o dalawang obligatory school o cicli scolastici ng limang (5) taon at kung tumutukoy sa elementarya, ay positibo itong matapos.

Upang magkaroon ng citizenship ay kailangan ang paghahayag ng deklarasyon ng pagnanais o ‘dichiarazione di volontà’ sa Comune mula sa isa sa mga magulang bago sumapit ang ika 18 taong gulang ang anak, kung hindi ay maaaring magsumite nito sa pagitan ng 18 hanggang 20 taong gulang. Sa pagitan ng edad na nabanggit, ang dating aplikante ay maaaring tanggihan ang pagiging Italian citizen, sa pagkakaroon ng ibang citizenship.

Samantala, iba naman ang patakaran para sa mga kabataang dumating sa bansa bago sumapit ang ika-18 taong gulang. Sila ay magiging Italian citizen matapos ang anim (6) na taon ng regular na paninirahan at matapos pumasok at makumpleto ang isang obligatory school o ciclo scolastico o ang isang formation o vocational course. Sa ganitong kaso ay hindi na tumutukoy sa isang karapatan bagkus ay sa isang ‘pahintulot’, at samakatuwid ay sasailalim sa isang pagsusuri buhat sa estado.

Mayroon ding transitional norm para sa mga lumampas na sa edad na 20 gulang, ngunit nakumpleto naman ang mga requirements na nasasaad sa bagong batas. Ang mga ipinanganak sa Italya o dumating sa bansa bago ang 12 taong gulang ay maaaring maging Italian citizen kung pumasok sa Italya ng hindi bababa sa 5 taon o higit sa obligatory school o cicli scolastici at sila ay regular at tuluy-tuloy na na nanirahan sa bansa sa huling limang (5) taon.

Ang sinumang sakop ng transitional norm ay mayroon lamang isang (1) taon simula ipatupad ang reporma para magsumite ng deklarasyon ng pagnanais sa Comune upang maging ganap na Italyano. Ngunit kinakailangan ang maghintay ng pahintulot mula sa Ministry of Interior sa loob ng anim (6) na buwan, matapos ang pagsusuri kung may refusal ng citizenship sa nakaraan, expulsion o order of expulsion para sa seguridad ng bansa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Hindi bayad na kontribusyon sa Inps. Paano babayaran ng employer?

Accordo di integrazione – Hindi maaaring manatili sa Italya ang hindi mag-papaaral sa mga anak