Sinang-ayunan ng Kamara. Mga lugar na naging biktima ng lindol, extension ng validity ng mga permit to stay sa mga imigrante na nawalan ng tahanan o ng trabaho at mahihirapan sa renewal nito. Murer (Pd): “Sa ganitong paraan, ay magkakaroon sila ng mas mahabang panahon upang maisa-ayos muli ang kanilang buhay”.
Roma – Hulyo 11, 2012 – Inaprubahan na ang extension ng validity ng mga permit to stay ng mga imigrante na naninirahan sa mga lugar na hinagupit ng lindol noong nakaraang Mayo. Ang mga dokumento ay mananatiling balido para sa isa pang taon kahit ang mga permit to stay holders ay walang sapat na rekisito upang ma-renew ang dokumento, halimbawa, nawalan ng tahanan o trabaho dahil sa lindol.
Ito ay nasasaad sa un articolo del disegno di legge di conversione del decreto "Disposizioni urgenti in favore delle popolazioni colpite dagli eventi sismici il 20 e il 29 maggio 2012", na inaprubahan unanimously sa Kamara, na ngayon ay ihahain naman sa Senado kung saan inaasahang lalabas ang final approval. Sinasabing sa mga lungsod na binabanggit sa ibaba ang buong listahan, “ay hahabaan ng 12 buwan ang validity ng mga permit to stay na balido hanggang Dec 31, 2012 sa mga imigrante na walang sapat na rikisito sa trabaho at/o sa tirahan dahil sa naganap na lindol”.
Ang extension ay resulta ng isang susog na isinumite ng kinatawan ng Democratic Party na si Delia Murer, tinalakay at inaprubahan sa Environment Commission ng Kamara at nagkaroon ng final context ang panukala.
"Ang mga imigrante na naninirahan o nagtatrabaho ng regular sa lugar na nasalanta ng lindol, bukod sa pinsala ng kalamidad, tulad ng lahat ng mga residente, ay nanganganib na mainsulto sa pamamagitan ng halos pagtatanggal ng karapatang manatili sa bansa”, ayon pa kay Murer. “Hindi lamang iilan sa kanila ang nawalan ng tahanan at trabaho. Ngunit nawalan din sila ng sahod at matitirahan at dahil dito ay maaaring matanggal sa kanila ang kanilang mga permit to stay, kasama ang bangungot na malugmok sa pagiging irregular, sa isang lugar na walang karapatan, walang proteksyon, angkop na integrasyon para sa kanilang mga pamilya, para sa kanilang mga anak, na karaniwang sa Italya ipinanganak, na ganap na bahagi ng komunidad.
Ayon sa kinatawan ng PD, ang extension ay "isang tagumpay”. “Ito ay nagpapahintulot sa mga imigrante – dagdag pa nito – upang pansamantalang makahinga. Ang kanilang mga permit to stay ay awtomatikong mare-renew para sa 12 buwan upang tulad ng ilang biktima ng lindol ay muling simulan ag kanilang pamumuhay”.
ELENCO DEI COMUNI
Provincia di Bologna
1. Argelato
2. Baricella
3. Bentivoglio
4. Castello d’Argile
5. Castelmaggiore
6. Crevalcore
7. Galliera
8. Malalbergo
9. Minerbio
10. Molinella
11. Pieve di Cento
12. Sala Bolognese
13. San Giorgio di Piano
14. San Giovanni in Persiceto
15. San Pietro in Casale
16. Sant’Agata Bolognese
Provincia di Ferrara
1. Bondeno
2. Cento
3. Mirabello
4. Poggio Renatico
5. Sant’Agostino
6. Vigarano Mainarda
Provincia di Modena
1. Bastiglia
2. Bomporto
3. Campogalliano
4. Camposanto
5. Carpi
6. Castelfranco Emilia
7. Cavezzo
8. Concordia sulla Secchia
9. Finale Emilia
10. Medolla
11. Mirandola
12. Nonantola
13. Novi
14. Ravarino
15. San Felice sul Panaro
16. San Possidonio
17. San Prospero
18. Soliera
Provincia di Reggio Emilia
1. Boretto
2. Brescello
3. Correggio
4. Fabbrico
5. Gualtieri
6. Guastalla
7. Luzzara
8. Novellara
9. Reggiolo
10. Rio Saliceto
11. Rolo
12. San Martino in Rio
13. Campagnola Emilia
Provincia di Mantova
1. Bagnolo San Vito
2. Borgoforte
3. Borgofranco sul Po
4. Carbonara di Po
5. Castelbelforte
6. Castellucchio
7. Curtatone
8. Felonica
9. Gonzaga
10. Magnacavallo
11. Marcaria
12. Moglia
13. Ostiglia
14. Pegognaga
15. Pieve di Coriano
16. Poggio Rusco
17. Porto Mantovano
18. Quingentole
19. Quistello
20. Revere
21. Rodigo
22. Roncoferraro
23. Sabbioneta
24. San Benedetto Po
25. San Giacomo delle Segnate
26. San Giovanni del Dosso
27. Schivenoglia
28. Sermide
29. Serravalle a Po
30. Sustinente
31. Suzzara
32. Villa Poma
33. Villimpenta
34. Virgilio
Provincia di Rovigo
1. Bagnolo di Po
2. Calto
3. Canaro
4. Canda
5. Castelguglielmo
6. Castelmassa
7. Ceneselli
8. Ficarolo
9. Gaiba
10. Gavello
11. Giacciano con Baruchella
12. Melara
13. Occhiobello
14. Pincara
15. Salara
16. Stienta
17. Trecenta