in

Karagdagang 3 euros para sa releasing at renewal ng mga permit to stay

Ang presyo ng electronic permit to stay ay tumaas mula 27,50 sa 30,46 euros. Karagdagang bayarin sa kontribusyon na mula 80 hanggang 200 euros na hinatulang ‘hindi makatwiran’ ng Court of Justice. Inca Cgil “Kahiya-hiya”.

 

Roma, Abril 28, 2016 – Ito ay isang mapait na handog sa mga imigrante ng gobyerno. Simula ngayong araw, ang permit to stay ay mas mahal pa!

Isang atas ng Ministry of Interior, Economy at Public Administration ang lumabas kahapon sa Official Gazzete na nagbago at nagpataas pa sa halaga ng electronic permit to stay (PSE 380), na sinimulang ibigay sa buong bansa noong nakaraang autumn, at sa ngayon ay nagkakahalaga ng 24,56 euros kung saan idadagdag pa ang IVA at 50 cents na komisyon ng Poste Italiane. Ang sumatotal ay 30,46 euros katumbas ng 27,50 euros na binabayaran hanggang kahapon. 

Ito ay isang maliit na bahagi lamang ng halagang hinihinging bayaran ng mga dayuhan sa Italya, na dapat ding magbayad ng tanyag na kontribusyon para sa releasing o renewal mula 80 hanggang 200 euros batay sa uri ng dokumento. At dahil dito, mula sa halaga ng PSE at kontribusyon, ang halaga ay tumaas sa 110,46 euros para sa permit to stay na balido ng isang taon, sa 130,46 euros para sa permit to stay na balido ng dalawang taon at sa 230,46 euros para sa validity na higit sa dalawang taon, tulad ng carta di soggiorno (EC long term residence permit) at sa mga nakalaan sa mga corporate executive.

Hindi nagtatapos dito. Sa halagang ito, sa katunayan, ay idadagdag pa ang 16 euros na revenue stamp o marca da bollo at 30 euros para sa serbisyo ng koreo ‘assicurata’ ng kit na nagtataglay ng aplikasyon ng renewal o releasing ng permit to stay. Isang pabigat sa lahat ng mga imigrante na lalong lumala matapos sabihing ‘hindi makatwiran’ ng Court of Justice ng Europa at ito ay isang hadlang sa karapatan ng mga dayuhan sa Italya. 

Ang hatol ng Court of Justice, sa pamamagitan ng reklamo buhat sa Inca at Cgil, ay lumabas noong Sept 2 noong nakaraang taon. Dapat sanay sumunod ang gobyerno at ibinaba ang halaga ng kontribusyon ng releasing at renewal ng permit to stay, ngunit sa loob ng halos 8 buwan ay walang ginawa at binale wala ang kahilingang dumating sa Parliyamento. Sa ngayon, isa na namang pagtaas, at ang 3 euros na ito ay idadagdag sa halagang pahirap. 

Ito ay isang walang awang aksyon. Isang paraan para sa karagdagang kita buhat sa mga taong malaki na ang ibinibigay sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng buwis at kontribusyon ng hindi nakakatanggap ng parehong karapatan at serbisyong katapat”, reklamo ng Inca at Cgil. “Niloloko natin ang mga dayuhan na malaki na ang ibinabayad at sa halip na ibigay ang kalabisan ng kanilang ibinayad batay sa hatol ng Court of Justice ng Europa na isang obligasyon ng estado”. 

Nanghihinayang ang mga union at patronato, at “sinasabing ito ay isang pinabayaang pagkakataon ng executive body upang tanggalin ang hindi makatwirang buwis at ibalik ang halaga ng permit to stay tulad ng mga dokumentasyon ng Public Administration. Ang Inca at Cgil noon pa man ay nangunguna sa pagtutol sa batas na ito at sinimulan ang kampanya ukol sa request ng refund at inaanyayahan ang mga dayuhang manggagawa at mga pamilya sa kanilang mga tanggapan na ipadala ang request upang matanggap ang refund mula sa mga ibinayad mula Enero 2012, petsa ng simulang ipinatupad ang batas ukol sa karagdagang kontribusyon

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Crowdfunding, inilunsad ng anak para sa repatriation ng yumaong na ina sa Roma

7000 susog, inihain laban sa Reporma ng Citizenship ng Ikalawang Henerasyon