Binuksan ang tatlong bagong front office sa publiko, salamat sa pakikipagtulungan ng Caritas, ng Comunità di Sant'Egidio at Programma Integra. Bukas lamang through appointment at maaaring mag-book online.
Pebrero 12, 2013 – Lalong pinadali sa Roma, ang masundan ang mga application ng family reunification, direct hire at regularization. Ang sinumang nag-aplay ng mga nabanggit, sa pamamagitan ng pagbu-book online, hindi lamang sa Sportello Unico per l’Immigraione, ngunit maging ng mga operators ng Caritas, Comunità di San Egidio at ng Programma Integra.
"Isang pagtutulungan na nagbuhat sa European Project na Integrare per Costruire, ngunit ang 3 asosasyon ay ginagawa ito ng boluntaryo at walang anumang kapalit, kahit na isang euro. At ang kanilang mga tanggapan ay magiging tila extension office ng Prefettura”, paliwanag ni Viceprefetto Fernando Santoriello, ang head ng Sportello Unico per l’Immigrazione sa Roma.
Ngunit ano ang maaaring gawin sa mga front office na ito? "Ang mga operators – ayon kay Santoriello – ay mayroong access sa lahat ng pino-proseso ng aming tanggapan, samakatwid, ay maaaring magbigay ng mga impormasyon ukol sa stado ng aplikasyon na tila nagtungo sa tanggapan ng Sportello Unico. Bukod dito ay maaari rin silang tumanggap ng mga dokumento, i-scan ang mga ito at ipadala sa aming tanggapan, o ang i-report sa amin ang mga partikular na kaganapan. Isang bagay lamang ang hindi nila maaaring gawin, ang gumawa ng mga bagong dokumentasyon.
Ang unang hakbang para sa impormasyon, ay ang kumuha ng appointment sa pamamagitan ng website ng Prefecture. Ang programa ay awtomatikong itatakda ang petsa at lugar, na maaaring sa Sportello Unico, sa Via Ostiense 131 L, o sa isa sa mga bagong front office: sa Caritas, sa Via Zoccolette 19, Comunità di Sant'Egidio sa Via S.Gallicano, 25 A, at Programma Integra, sa Via Assisi, 41.
Ang serbisyo, ayon sa isang note ng Prefecture, "ay ukol sa direct hiring, family reunification, at regularization na ipinadala na online at kasalukuyang nasa kamay ng Sportello Unico. Ibibigay lamang ang mga impormasyon sa aplikante na dapat mag-fill up ng isang form online gamit ang pangalan, numero ng aplikasyon at fiscal code (codice fiscale)".
Para sa mga impormasyon, hindi ukol sa anumang aplikasyon na ipinadala online, ay maaaring sumangguni sa bahaging approfondimento sa website www.prefettura.it/roma o mangyaring magpadala ng email sa immigrazione.pref_roma@interno.it