in

Karagdagang serbisyo ng mga botika, inumpisahang ipatupad!

altAng pagtungo sa mga botika ay hindi na lamang para sa pagbili ng mga gamot, ngunit para na din sa karagdagang serbisyo, tulad ng mga analisis, iniksyon o prenetasyon ng check up.

Ito ay ang maliit na rebolusyon na ibinigay ng tatlong dekreto mula sa Ministeryo ng Kalusugan, kung saan ang dalawang serbisyo ay inumpisahan na.

Ang una ay ang pagsasagawa ng mga blood test, para sa kolesterol, triglycerides, o pagbubuntis. Isa namang dekreto ang nagpapahintulot sa mga nars at physiotherapists, upang magbigay ng ilang serbisyo tulad ng injections o ng programa ng rehabilitation na maaaring home service.

Ayon sa ikatlong dekreto na hindi pà pinapatupad, ay ang pagkakaroon ng serbisyo ng CUP, o ang reservation para sa iba’t ibang check up o pagtanggap ng mga resulta ng analisis.

Hindi lahat ng dalawampung libong mga botika ay magkakaroon ng mga bagong serbisyo, na ayon sa batas ay walang gastos para sa gobyerno. Para sa mga consumers naman, samakatuwid, ay buo ang halaga, at maaaring mas mataas pa kaysa sa ibinibigay sa mga istruktura ng National Health Service.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Submission ng ‘form 730’, extended!

Postacertificat@, makaka-abot nga ba sa mga imigrante???