“Isulong ang partesipasyon at integrasyon sa pamamagitan ng pag-aaral, trabaho at pang-araw-araw na pamumuhay, bigyang priyoridad ang mga ipinanganak sa Italya ng mga dayuhang magulang o ng mga kabataang nakatapos ng ilang taong pag-aaral sa ating bansa”
Roma, Abril 4, 2012 -” Sa pagdiriwang ng ika-3 Kongreso ng UGL ay inaprubahan ang isang motion ‘Immigration, hamon para sa hinaharap ng bansa’ upang isulong ang karapatan ng pagkamamamayan at pagboto. Kabilang sa mga unang signatories ng teksto ay ang Kalihim na si, John Centrella”.
Ito ay inihayag ng presidente ng UGL, Luciano Lagamba, na inilahad ang motion.
Ang Kongreso, dagdag pa nito, “ay kumilos sa pagsusulong sa bawat sulok ng institusyon upang baguhin ang patakaran sa pagbibigay ng citizenship at ng karapatang bumoto sa lokal na halalan, layunin nito na mapabilis ang partisipasyon at integrasyon sa pamamagitan ng mga programa sa pag-aaral, trabaho at pang-araw-araw na pamumuhay, na nagbibigay ng priyoridad sa mga ipinanganak sa Italya ng mga dayuhang magulang o sa mga nakatapos ng ilang taong pag-aaral sa ating bansa, upang palakasin ang mahusay at mga responsableng pagsasanay sa immigration, upang labanan ang human trafficking at labanan ang diskriminasyon sa trabaho at baguhin ang imahen ng imigrasyon sa media, trabaho para sa mga Gypsy roms at nomads, panatilihing matibay ang kultura at ekonomiya ng mga Italyano na naninirahan sa ibang bansa, sa pamamagitan ng mga mga angkop na istraktura at serbisyo.”
Ang pangakong ginawa ng Kongreso, patuloy pa ni Lagamba, “ay napapaloob sa isang dekadang aktibidad ng Sei-UGL sa larangan ng imigrasyon, na ang pangunahing layunin ay ang paglaban sa hindi regular na trabaho, at sa lahat ng uri nito, ang regularization ng mga nagta-trabaho sa mga pamilya, ang halaga ng intercultural mediation, ang extension ng validity ng mga permit to stay sa panahon ng malubhang krisis sa ekonomiya, ang pagbibigay ng citizenship sa mga batang ipinanganak o lumaki sa Italya, at ang karapatan na bumoto sa lokal na halalan.”